Isa ang Pusoy Go sa pinakatanyag na online card game sa bansa. Mayroong itong humigit kumulang limang milyong downloads sa Google Play Store. Kung paano tipikal na laruin ang Pusoy na kinagisnan, ganoon din ang paglalaro dito. Ang kaibahan lang ay online ito kaya hindi na kinakailangan pang lumabas upang malibang sa paglalaro. Bukod pa rito, may mga bonus at promosyon ding matatanggap na magbibigay kasiyahan sa kabuuang karanasan ng paglalaro. Ngunit mapapaisip ka kung worth it nga ba talagang laruin ang Pusoy Go-Competitive 13 cards. Kung ikukumpara sa ibang online gaming applications, ano nga ba ang magiging kalagayan nito?
Tungkol sa Pusoy Go
Hindi maninibago sa paglalaro ng Pusoy Go online dahil wala ito masyadong kinaibahan sa nakagawiang Pusoy. Gumagamit pa rin ng iba’t ibang kombinasyon at pataasan pa rin ng mga baraha. Makikita sa homepage ng app ang missions tab na naglalaman ng iba’t ibang paraan kung paano makalikom ng gold. Nahahati ito sa daily at weekly missions. Mainam na magawa ang mga ito dahil makakatanggap ng libreng gold bilang pabuya. Ang gold ang siyang virtual currency na ginagamit sa paglalaro. Hindi makakapasok sa table kung kulang ng gold sa iyong account.
Golds Table
Ito ang plataporma kung saan papasok upang simulan ang paglalaro. Nakagrupo ito base sa laki ng gold na kinakailangan bago makapasok. Kapag mas malaki ang taya, mas mataas din ang magiging balik. Nahahati ito newbie, amateur, intermediate, superior, expert, master, at legend. Epektibo itong paraan para makontrol ang dami ng gold na ipupusta at kakayahan ng mga manlalaro. Ang players na kayang pumasok sa expert table ay nangangahulugang malaki-laki ang gold na mayroon sila. Marahil ay maituturing na silang beterano dahil may lakas sila ng loob na tumaya ng malaki.
Family Table
Kung may pagkamahiyain at nais lang makipaglaro sa kakilala, mainam na gamitin ang feature na ito ng Pusoy Go. Maaaring bumuo ng isang table na kung saan tanging kapamilya o kaibigan ang narito. Customizable dahil hindi pwedeng pasukin ng mga hindi naimbitahan.
Unique Swap Mode
Ito ang kakaibang feature na tampok sa Pusoy Go. Iba sa regular na Pusoy, mayroong tinatawag na Swap Zone. Ito ay ang lugar kung saan itatapon ang tatlong ayaw mong baraha. Dito rin kukuha ng panibagong baraha na itinapon naman ng iyong kalaban. Maaari nang magamit ito para makabuo ng mas malakas na kombinasyon.
Kung nais mag-register sa Pusoy Go, sundin lang ang mga sumusunod na hakbang.
Gamit ang Sign in with Google
- Lalabas dialogue box ng lahat ng Google accounts na naka-register sa iyong device.
- I-click ang account na nais gamitin.
- Hintaying mag-load. Lalabas ang congratulatory message bilang indikasyon na naging magtagumpay ang pag-register ng iyong account.
Gamit ang Facebook account
- I-click ang connect with Facebook na option.Tiyaking Facebook app ang gamit at hindi Facebook Lite.
- Lalabas ang authorization page. Pindutin ang continue button at mapupunta ka pabalik sa homepage ng laro.
- HIntaying lumabas ang kumpirmasyon na naging matagumpay ang iyong pag-register.
Tuntunin sa Pusoy Go
Wala masyadong kaibahan ang paglalaro ng Pusoy Go sa tradisyunal na Pusoy maliban na lang sa unique swap mode. Nakabatay pa rin sa iba’t ibang kombinasyon na inilalapag na baraha. Samantalang gold naman ang in-game currency na siyang ginagamit sa pagtaya. Halimbawa, sa isang table ay nagkakahalaga ng 10,000 gold sa bawat bet. Tandaan na kapag mas malaki ang itinaya, mas malaki rin ang balik oras na manalo. Gayundin, mas malaki rin ang talo kung malaki rin ang ipinusta.
Nagkakatalo pa rin talaga base sa kombinasyong nabuo. Narito ang pagkakasunod-sunod base sa kanilang rank:
Straight Flush > Quads > Full House > Flush > Straight > Three-of-a-kind
Base sa diagram sa taas, kung mayroon kang Full House na kumbinasyon ay malaki ang tsansang manalo. Nagkakatalo na lang talaga sa suit na kinabibilangan at value ng bawat cards. Ito na rin ang rason kung bakit nga ba patok na patok ang Pusoy Go sa mga manlalaro. Kumplikado man ito kung iisipin, ngunit gagamitan talaga ito ng ibayong pag-iisip at pagbuo ng diskarte para magawagi.
See more: Top applications to play Pusoy Gcash for real money
Rebyu sa Pusoy Go – Competitive 13 Cards
Sa bahaging ito hihimayin kung sapat pa nga ba ang download Pusoy Go o naungusan na ng ibang online gaming apps. Tatalakayin ang interface, larong tampok, pundasyon, promosyon, player support, at withdrawal method. Ito ang ilan sa mga salik na ikinokonsidera ng mga manlalaro sa pagpili ng natatanging app.
App interface ng Pusoy Go
Hindi maitatangging isa ito sa bentahe ng Pusoy Go. Napakaganda ng kabuuang biswal sa larong ito. Makulay at kaaya-aya ang icons na ginamit dito. Kaya talaga nga namang maeengganyo ang sinuman na maglaro nito. Bukod pa rito, swabe rin ang animation na ginamit. Mas hayag itong makikita oras na maglaro na ng Pusoy. Ang transition sa pagitan ng mga manlalaro, baraha, at iba pa ay nakapakalinis. Sinong mag-aakala na Pusoy Go – free download lang ito? Sa kalidad na ipinapakita nito sa kanilang interface, aakalaing premium game ito na kailangang magbayad muna bago ma-download.
In-game Pusoy Go
Kapag ginawa ang Pusoy Go download, hindi lang Pusoy ang maaaring laruin. Nariyan din ang Tongits, Lucky 9, Texas Hold’em Poker, Pusoy Dos, Poker Slots, at Color Games. Mantakin mo, isang app lamang ito ngunit naglalaman na ng iba’t ibang mga laro. Kapag nagsawa sa paglalaro ng Pusoy, pwedeng dumako sa Tongits o Color Game. Hindi nakukulong sa iisang uri ng gameplay kaya mas kasiya-siya ang karanasan sa paglalaro. Maituturing itong edge kumpara sa ibang gaming applications.
Pundasyon ng Pusoy Go
Simple at hindi komplikado ang pagda-download ng Pusoy Go APK sa iyong mobile phone. Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makuha ang Pusoy Go latest version free download.
- Para sa Android users, pumunta sa Google Play Store
- Ilagay ang Pusoy Go-Competitive 13 cards sa search bar. Lalabas ang icon ng app sa top-search results. Pindutin ito.
- I-click ang install button. Depende sa bilis ng iyong internet, hintayin itong ma-download.
- Lalabas ang notification oras na naging matagumpay sa pag-download. Buksan ang app.
- Mag-sign up gamit ang iyong Facebook o email.
Gayunpaman, tanging sa Android lamang ito available. Maaari din namang maghanap ng Pusoy Go-Competitive 13 cards downloadable content. Ngunit wala na itong ibang opisyal na bersyon bukod sa makikita sa Google Play Store. Kung iOS user ka ay hindi rin maaaring i-download ang larong ito. Pawang mga close lang ang iba na may similar na pangalan sa Pusoy Go. Ang mahirap sa ganito ay prone ito sa virus at iba pang uri ng malware.
Kung ikaw ay gumagamit ng iOS at naghahanap ng mga larong katulad ng Pusoy Go. Kaya’t mangyaring maranasan ang application: Big Win Club, Big Win 777, Bit777…
Mga alok at promosyon ng Pusoy Go app
May welcome gift na ibinibigay ang Pusoy Go sa mga baguhan nitong manlalaro. Magandang taktika ito upang mas lalo maengganyo ang mga manlalarong tangkiling ang kanilang app. Mainam din itong panimula para sa mga player na nagdadalawang isip kung bibili ba ng gold o hindi. Pinapatikim ng game developers ang mga manlalaro kung ano ang posibleng maging karanasan kung patuloy na lalaruin ang kanilang app.
Hindi lang ito, may daily login rewards din na nakaabang para sa kalakhan ng mga manlalaro. Layunin naman nito na panatilihin ang mga manlalaro. Sa tuwing binubuksan ang app at naglalaro sa table, makakakuha na ng libreng gold at diamond. Tiyakin na samantalahin ang feature na ito dahil ito ang pinakamadaling paraan na maparami ang gold. Magagamit din ito upang mas lalong pag-ibayuhin ang paglalaro ng Pusoy Go.
Bukod sa mga nabanggit, mayroon ding rewards na makukuha sa iba’t ibang aktibidad na idinaraos ng Pusoy Go. Maaaring ito ay weekly o monthly event. Nagsisilbi itong bagay na pwedeng aabangan ng mga bago at beteranong manlalaro.
Suporta para sa mga manlalaro
Pagdating naman sa usapin ng player support ng Pusoy Go, masasabing mabagal iang kanilang pagsagot. Marahil dahil sa dami ng volume ng mga nagtatanong, ngunit hindi pa rin ito sapat na dahilan upang ito’y makompromiso. Maraming mga kaso na kung saan may isyung kinaharap sa app gaya ng hindi maka-login. Maghihintay pa ng ilang oras bago may tumugan sa isyu ng manlalaro. Hindi ito magandang practice dahil sumasalamin ito sa value ng isang game developer. Kung patuloy na hinayaang maging mabagal ang kanilang service support, nangangahulugan lang na hindi ganoon kahalaga ang bagay na ito.
Bukod pa rito, may nakatakdang oras kung kailan bukas ang player support ng Go Pusoy. Tingnan ang schedule sa ibaba:
- Monday to Friday: 9:30 AM to 12:00 NN, 2:10 PM to 6:00 PM (except Tuesday), 7:15 PM to 9:45 PM.
- Weekends: 9:30 AM to 12:00 NN, 2:10 PM to 6:00 PM.
Kung mapapansin sa naitalang schedule, makikitang may break time tuwing lunch. Umaabot lamang ng hanggang 9:45 PM ang pinaka-late na maaaring manghingi ng suporta. Mas maaga pa ito tuwing weekends. Mainam kung hindi limitado ang kanilang player support dahil wala namang pinipiling oras ang pagkakaroon ng isyu.
Hindi kagaya ng mga larong tampok sa LaroPay, 24/7 ang kanilang customer support. Dito, mararamdaman talaga ang sandaang porsyentong pagkalinga ng game developers sa mga manlalaro. Mas mabilis din ang pagsagot ng mga isyung kinakaharap. Hindi nila bibitawan ang ticket hangga’t hindi nareresolba ito. Ganito sana ang makikitang player support ng Pusoy Go lalo pa’t kinokonsidera silang isa sa tanyag na online gaming app.
Paraan ng pag-withdraw
Walang option ng pag-withdraw sa Pusoy Go. Ang lahat ng gold at diamond na matatanggap sa laro ay hindi maaaring ma-convert sa aktwal na pera. Ito marahil ang deal breaker para sa karamihan. Aniya, tila nasayang lang din ang lahat ng pinagpaguran dahil hindi maaaring i-cash out ang lahat ng napanalunan. Kahit na gaano pa ginalingan sa bawat table, tanging sa leaderboard lang mararamdaman ang pagkapanalo.
Dahil dito, maraming iba pang alternatibong online gaming application na nagdudulot ng walang humpay na kasiyahan habang kumikita. Ito ang mga larong tampok sa LaroPay. Ang ilan sa mga ito ay Big Win Club – Tongits Pusoy, Bit777 – Tongits Pusoy Global, Big Win – Pusoy 777 & Tongits. Mas rewarding sa pakiramdam dahil mas dama ang bawat round sa table. Hindi lang puro pasok ng pera, kundi maaari din itong mapalago at ma-cash out. Simulan na ang pag-download ng mga naturang app!
Konklusyon
Sa kabuuan, sulit nga bang laruin ang Pusoy Go? Hindi maikakailang isa ito sa pinakasikat na online gaming app. Umaabot ng milyon ang dami ng kanilang download. Nagtatampok din ito ng ibang laro bukod sa Pusoy. Narito ang Tongits, Lucky 9, Texas Hold’em Poker, Pusoy Dos, Poker Slots, at Color Games. Dahil dito, may baryasyon ang mga manlalaro upang hindi madaling magsawang sa mga larong may similar na gameplay. Hindi rin matatawaran ang kalidad ng kanilang interface. Malinaw, makulay, at swabe ito. Mas nagiging kapanapanabik ang paglalaro ng Pusoy dahil sa malinis nitong animation at visual.
Subalit sa kabila nito, may mga bagay pa rin na kailangang pag-ibayuhin sa laro. Nariyan ang kanilang customer support na hindi ganoon kabilis ang pagsagot. Para sa isang tanyag na app gaya ng Pusoy Go, nakapagtataka na hindi 24/7 ang kanilang player support. Hindi gaya ng kakompetensya nitong larong makikita sa LaroPay. Dagdag pa rito, hindi maaaring i-withdraw ang mga napanalunan. Malaking salik ito dahil sinasarado nito ang pagkakataon na kumita ang mga manlalaro. Kumabaga ito ay talaga isang simpleng porma lang ng libangan. Hindi gaya ng Big Win Club – Tongits Pusoy, Bit777 – Tongits Pusoy Global, at Big Win – Pusoy 777 & Tongits. Sa mga app na nabanggit, bukod sa pwedeng maglaro, maaari ding i-cash out ang lahat napanalunan.
Dahil dito, masasabing sulit pa nga bang laruin ang Pusoy Go? Masasabing hindi dahil sa mga naitalang mga rason. Kung babaguhin ito upang mas lalong umangkop at mapabuti ang kalagayan ng mga manlalaro, marahil ay doon pwede nang mai-rekomenda. Ngunit sa kasalukuyan, masasabing marami pang ibang mas kasiya-siyang alternatibong laro kumpara sa Pusoy Go.