Simple lang at napakadaling maintindihan ng Lucky 9 rules. Angkop ito sa anumang edad dahil wala ito masyadong komplikadong mga panuntunan. May tatlong bagay lamang na kailangan mong makabisado. Una, paano kukunin ang puntos ng mga baraha. Ikalawa, paano pagsamahin ang halaga ng mga baraha at paano kukunin ang kabuuang puntos nito. Pangatlo, kung kailan hihirit sa pangatlong baraha at kung paano ang takbo ng isang round. Dahil ang larong ito ay nakangkla sa swerte, may mga bagay na hindi na rin makokontrol. Gayunpaman, itinuturing itong klasik na laro dahil kung gaano kapayak ang bawat round.
Pagpapakilala sa Lucky 9
Walang pinipiling edad ang Lucky 9. Ito na rin ang dahilan kung bakit isa ito sa mga larong baraha na sikat sa bansa. Sobrang bilis lang ng ikot ng bawat round kaya hindi nakakabagot laruin. Simple lang din ang Lucky 9 rules na kahit sino ay kayang matutunan.
Ito ay isang larong baraha na gumagamit ng 52 standard deck. Maaari itong laruin ng tatlo hanggang apat na manlalaro. Dagdag pa rito, payak at madali lang maintindihan ang layunin ng larong ito. Kailangan lamang matalo ang puntos ng hawak na baraha ng banker. Dalawang senaryo lamang kung kailan mananalo as banker: (1) makakuha ng 9 bilang kabuuang puntos ng baraha; o (2) magkaroon ng mas mataas na halaga kumpara sa bangkero. Tinatayang umaabot ang isang round ng tatlo hanggang limang minuto lamang.
Marami na rin ang naglipanang online na bersyon nito. Hindi na rin ito nakapagtataka dahil sa dali at bilis ng bawat round, napakadali lang din ang kumita. Kung naghahanap ka ng mga katiwa-tiwalang app kung saan maaaring maglaro ng Lucky 9, tumungo lang sa opisyal na website ng LaroPay. Ang LaroPay ay nagtatampok ng mga kalidad na online paying apps. Mahigpit din ang seguridad nito kaya tiyak na ligtas ang lahat ng transaksyon.
Introduction to the Lucky 9 rules
Bago simulan ang paglalaro ng Lucky 9, mahalagang matutunan ang Lucky 9 game rules. Kung iisipin, paano mo sisimulan ang isang laro kung hindi ka pamilyar sa panuntunang nakapalibot dito? Ito ang impormasyon na kailangan mong pahalagahan bilang isang manlalaro.
Bago magsimula, ang pinakaunang kailangan mong matutunan ay kung paano kunin ang puntos ng isang baraha. Ito ang pinakakritikal na bahagi ng Lucky 9 rules. Para sa mga barahang may numero, kung ano ang nakasaad na numero ay siya ring puntos na halaga nito.
Hal. 1 8♦ = 8 na puntos
Hal. 2 5♥ = 5 na puntos
Hal. 3 7♣ = 7 na puntos
Hal. 4 2♠ = 2 na puntos
May mga baryasyon ng Lucky 9 na kung saan hindi kabilang ang alas at iba pang barahang may mukha. Ngunit tipikal na kasama ang mga ito sa paglalaro ng Lucky 9. Kaya mahalaga pa ring matutunan ito. Ang alas ay may katumbas na isang puntos. Sa kabilang banda, ang mga barahang may mukha (King, Queen, at Jack) naman ay may katumbas na 10 o 0.
Hal. 1 K♣ = 10 o 0 na puntos
Hal. 2 A♥ = 1 na puntos
Hal. 3 J♠ = 10 o 0 na puntos
Hal. 4 A♦ = 1 na puntos
Kung mapapansin sa naunang mga halimbawa, ang 10 na puntos ay nagiging 0 na puntos lamang. Ganito ang kaso sa Lucky 9 rules. Para sa mga double digit na puntos, karaniwang kinukuha lamang ang panghuling numero. Kumbaga, kung ano ang halaga ng ikalawang numero ang siyang kabuuang halaga nito. Sa Lucky 9, mapapagana nito ang iyong isip sa pagdagdag ng mga baraha.
Hal. 1 J♣ + 3♥ = (10 + 3) = 13 o 3 na puntos
Hal. 2 K♠ + Q♣ = (10 + 10) 20 o 0 na puntos
Hal. 3 8♦ + 8♠ = (8 + 8) = 16 o 6 na puntos
Hal. 4 Q♥ + A♠ = (10 + 1) = 11 o 1 na puntos
See more: How to play lucky 9
Paano laruin ang Lucky 9
Sa bahaging ito, ipapaliwanag kung paano ilalapat ang rules of Lucky 9 sa isang round. Mukhang maraming nangyayari at hakbangin sa Lucky 9 ngunit oras na magamay ito, magiging sisiw na lang ito.
- Ibabalasa ng bangkero ang mga baraha upang matiyak na random ang pamimigay ng mga ito.
- Sunod na ilalagay ng mga manlalaro ang kanilang taya sa kasalukuyang round.
- Magbibigay ang bangkero ng tig-dalawang baraha sa bawat manlalaro. Karaniwang pakanan o clockwise ang proseso ng pamamahagi ng baraha.
- Kailangan munang hintaying matanggap ng lahat ang kanilang baraha bago ito silipin.
- Pag-isipang mabuti kung sapat na ba ang dalawang nakuhang baraha o hihirit pa ng isa. Tandaan na isang beses lamang pwedeng humirit ng pangatlong baraha.
- Matapos nito, ikukumpara na ang kabuuang puntos sa pagitan ng mga manlalaro at bangkero.
- Tukuyin kung sino ang mga nanalo.
- Sa bahaging ito na matatanggap ng nanalo ang kaniyang mga napanalunan. Ulitin lamang ang buong proseso.
- Ayan, alam mo na kung paano gamitin at laruin ang Lucky 9 rules!
Mga uri ng baraha sa Lucky 9
May tatlong uri ng baraha sa Lucky 9. Ito ay ang mga sumusunod:
- Alas: May katumbas itong 1 puntos. May apat na alas lamang mula sa isang standard deck ng mga baraha.
- Barahang may numero: Ito ang pinakamadaling kalkulahin na puntos sa Lucky 9 rules. Kung ano ang numerong nakalagay sa baraha ay siya ring katumbas na puntos nito.
- Barahang may mukha: Ito ay binubuo ng Jack, Queen, at King. Mayroong 12 na uri nito sa kabuuang mga baraha.
Read now: Top 5 lucky 9 real money applications online
Paano kalkulahin ang puntos sa Lucky 9
Matapos malaman kung paano kunin ang kabuuang puntos ng iyong nakuhang baraha, dumako naman tayo sa Lucky 9 rules tagalog. Sa bahaging ito ipapaliwanag kung paano nga ba laruin ang Lucky 9. Base sa pangalan pa lang ng laro, tatanghaling panalo ang kung sino mang makaswerte ng 9. Kapag ito ang puntos ng iyong baraha, tiyak nang makukuha ang premyo.
Hal. 1 8♣ + A♥ = (8 + 1) = 9 na puntos
Hal. 2 Q♣ + 9♠ = (10 + 9) = 19 o 9 na puntos
Hal. 3 3♦ + 6♥ = (3 + 6) = 9 na puntos
Hal. 4 7♣ + 2♠ = (7 + 2) = 9 na puntos
Ngayon marahil ay iniisip mo paano kung walang nakakuha ng 9 bilang kanilang kabuuang puntos. Sino na ang tatanghaling panalo? Dito na pumapasok ang pangatlong baraha sa Lucky 9. Parte ito ng Lucky 9 rules na nagpapadagdag sa pagiging challenging ng laro. Parte ng panuntunan ng laro ang tsansang bumunot ng isa pang baraha kung hindi ka pa nasisiyahan sa iyong kabuuang puntos. Maging ang bangkero ay may pagkakataong bumunot ng ikatlong baraha. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa.
Hal. 1 7♣ + 3♥ + 4♠ = 14 o 4 na puntos
Hal. 2 A♦ + 2♥ + J♣ = 13 o 3 na puntos
Kung susuriing mabuti ang halimbawa 1, ang unang dalawang nakuhang baraha ay 7♣ at 3♥. Ang tanging kabuuang puntos lamang nito ay 10 o 0. Malamang ay talo ka na kaya mainam kung bumunot pa ng pangatlong baraha. Ang nakuha mo ngayon ay 4♠. Kung idadagdag ang naunang kabuuang puntos na 10, ang bagong kabuuang puntos mo ngayon ay 14 o 4.
Gayundin ang nangyari sa halimbawa 2. Kung pagsasamahin ang A♦ at 2♥, ang tanging kabuuang puntos lamang nito ay 3. Ngunit nang kumuha ka ng pangatlong baraha ay nakuha mo ang J♣, hindi magbabago ang iyong kabuuang puntos. Kung titingnan nang maigi, mula sa 3 puntos ay naging 13 na puntos nga ang iyong baraha. Subalit base sa Lucky 9 rules, ang kukunin natin ay ang panghuling numero. Kaya wala pa ring nagbago sa kabuuang puntos ng iyong baraha.
Gamitin ang iyong mga natutunan sa Lucky 9 rules mula sa artikulo at i-apply ang mga ito sa Big Win Club. Kilala ito sa mataas na prestihiyo at pangunguna pagdating sa larangan ng online casino gaming sa Pilipinas. Kaya ito ang perpektong plataporma kung saan mo pwedeng hasain ang iyong kasanayan sa paglalaro ng Lucky 9. Hindi ka rin madidismaya sa magandang interface ng Big Win Club app sa pagbibigay kasiyahan sa mga manlalaro. Kapansin-pansin ang makulay at user-friendly na disenyo ng app kung saan ito ay nagpapadali sa pag-navigate sa platform. Para simulan ang pag-download ng Big Win Club, tumungo lamang sa opisyal na website ng LaroPay. Matatagpuan dito ang downloadable link ng app pati na ang iba pang mga impormasyon tungkol dito.
Bukod sa maraming opsyon ng mga larong casino na maaaring pagpilian, ang pinansyal na transaksyon dito ay pinapadali at pinabilis. Nakadepende sa’yo kung nais mong gamitin ang GCash at PayMaya bilang paraan ng iyong pagbayad. Sa pamamagitan ng mga ito, makakasiguro kang napapanatili ang seguridad ng bawat transaksyon. Gayundin, isa sa mga pangunahing bentahe ng Big Win Club ay ang mabilis na pag-withdraw. Malaking bagay ito lalo na kapag nais mo nang makuha ang iyong pinaghirapan na kitain sa bawat laro. Sa kanilang real-time cash out system, maa-akses agad ng mga manlalaro ang kanilang kita sa loob lamang ng dalawang minuto. Wala ring limitasyon sa pag-withdraw ang lahat ng manlalaro, kaya’t maaari kang mag-withdraw anumang oras na nais mo.
Konklusyon
Kung tutuusin wala naman masyadong kailangang kabisaduhin sa paglalaro ng Lucky 9, kagaya ng inilahad ng LaroPay sa artikulong ito. Kaya nga ito angkop sa lahat ng edad dahil simple at pinadali lamang ang gameplay nito. Ang kailangan mo lamang malamangan ay ang kabuuang puntos ng bangkero. Gayunpaman, ang pagkalkula at pagkakaroon ng tsansang humirit ng pangatlong baraha ang siyang nagbibigay kasiyahan sa larong ito. Kaya ano pa ang hinihintay mo, alamin na ang Lucky 9 rules nang masimula na ang paglalaro!