Color Game Perya: Attractive online intellectual game

POSTED ON October 23, 2023 BY

Ang Color Game Perya ay ang muling pagbabalik sa ating alaala ng perya. Parte na ang peryahan sa kultura ng mga Pinoy. Kasama ito tuwing may importanteng kaganapan na idinaraos. Sinasabing ito ay maihahalintulad sa langit sa daigdaig. Ang perya ay punong-puno ng halakhak mula sa mga bata, kainan, kantahan, at marami pang iba. Makikita rin dito ang iba’t ibang laro na talaga namang kinagigiliwan ng lahat. Isa na rito ang Color Game na patok na patok sa masa. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit nagkaroon ng online na bersyon ang larong ito.

Pahapyaw sa Color Game Perya

Overview of the Color Game Perya

Pahapyaw sa Color Game Perya

Ang Color Game Perya ay isang online gaming application na nilikha ng Hype Up Game Studio. Ang iba pang laro na kanilang ginawa ay ang UnliPop, Wild Race, Shinobi, at marami pang iba. Ang layunin ng laro ay matukoy kung ano-anong mga kulay ang lalabas sa tatlong inirolyong dice. Mayroon itong anim na kulay. Ang mga ito ay berde, pink, pula, puti, bughaw, at dilaw. Maaaring pumili kung magkano ang itataya bawat kulay. Kung nais na magkakaparehas ang halaga, pwede itong gawin. Kung nais na magkakaiba ang halaga, maaari din naman. May kalayaan ang mga manlalarong gawin ang kanilang ninanais pagdating sa pagtaya ng gold coins.

Ang gold coins ang siyang virtual currency ng laro. Maaari itong gamitin sa pagtaya o kaya naman sa pag-customize ng Color Game in perya. Maya’t maya ang pamimigay ng libreng coins dahil ang tanging in-app purchase na maaaring gawin ay kung tatanggalin ang ads. Bukod dito, nakadepende na ang mga manlalaro sa mga promosyon, daily login bonus, at napanalunang coins. Dagdag pa rito, maaaring i-customize ang disenyo ng laro batay sa iyong ninanais. Kailangan lang pag-ipunan nang maigi gamit ang iyong gold coins dahil may pagkamahal ang mga ito.

Naglalaman din ito ng ads na siyang ginagamit ng game developers upang mapanatili ang pagtakbo ng kanilang app. May susulpot na ads sa kalagitnaan ng paglalaro. Kung nais naman na mawala ito, may feature ang Color Game Perya na alisin ito. Ito lamang ang tanging pagkakataon kung saan maglalabas ka ng aktwal na pera.

Mga tuntunin sa Color Game Perya

Color game rules perya

Mga tuntunin sa Color Game Perya

Simple at mabilis lang laruin ang Color Game Perya. Hindi ito namimili ng edad dahil maging sinuman ay maaaring laruin ito. Ang layunin lang ng laro ay hulaan ang kulay na lalabas sa tatlong inirolyong dice. May anim na kulay na pagpipilian. Ang mga kulay na ito ay berde, pink, pula, puti, bughaw, at dilaw. Tatlo ang pinakamalaking numero ng kulay na pwedeng lumabas. Nangangahulugan lamang na sa tatlong dice, magkakaiba ang mga kulay na lumabas. Ang isa namang senaryo na posible ring mangyari ay dalawang kulay lang ang lalabas.

Sa madaling salita, dalawa sa inirolyong dice ay may magkaparehas na kulay. At ang panghuling senaryo ay tanging iisang kulay lang ang lumabas. Madalang lang itong mangyari kumpara sa nagdaang dalawang senaryo. Bihira man itong mangyari, kung nakatsamba at nahulaan ang lumabas na kulay, limpak-limpak naman ang bonus na makukuha.

Bukod sa pagtaya ng kulay, ang isa pang kailangan malaman pagdating sa Color Game rules perya ay ang halaga ng coins na itinataya. Walang nakatakdang pinakamababang halaga na pwedeng itaya. Kung trip mong tumaya ng 1 gold coin ay pwede rin naman. Ang pinakamataas naman na maaaring itaya ay batay sa kabuuang coins na mayroon ka. Hindi maaaring lumagpas dito.

Kung kabado ka pang gamitin ang iyong gold coins, maaaring magsanay gamit ang practice mode ng Color Game Perya. Makikita ang kabuuang takbo ng isang round sa mode na ito. Matutukoy rin kung gaano tumatagal ang isang round at kung anong button ang kailangang pindutin.

See more: Top 5+ Color Game app sa GCash na Dapat mong I-download

Mga highlight sa Color Game Perya

Highlights of the Color Game Perya

Mga highlight sa Color Game Perya

Ano-ano nga ba ang iba’t ibang maibibigay ng Color Game Perya sa kaniyang mga manlalaro? Mababasa rito ang mga tampok na makikita sa paglalaro.

Daily Reward

Araw-araw ay makakatanggap ng libreng coins ang mga manlalaro. Kailangan lang tiyaking mag-login at i-claim ang reward. Habang patagal nang patagal ay palaki nang palaki ang coins na makukuha.

Customizable Theme

Bukod sa pagtaya, nagagamit din ang coins upang bumili ng mga kagamitang may iba’t ibang disenyo. Maaaring baguhin ang background, game board, at avatar batay sa iyong nais. Mayroong limang opsyon para sa background. Ang mga ito ay classic, forest, desert, sea treasures, at crystal mine. Para naman sa Color Game board perya template, narito ang classic, woodbranch, bones, bricks, at elegant black. Sa usapin ng avatar, nariyan ang flock 9, gip, spiky, at knight.

Roulette of Fortune

Kada limang minuto ay makakatanggap ng libreng spin na magagamit upang paikutin ang roleta. May mga numerong nakalagay rito na nagraranggo mula 100 hanggang 1M. Kung saan tatapat ang palaso, ito ang makukuhang dagdag bonus. Kung tinatamad ka namang maghintay, may opsyon na manood ng ads bilang kapalit ng isang libreng spin.

Free Coins

Maaaring tumanggap ng dagdag na libreng coins kada 20 minuto. May iba pang opsyon kung saan pwede kang manood ng ads o kaya naman ng bidyo bilang kapalit ng libreng coins. Kung manonood ng ads, makakakuha ng 100 hanggang 1000 libreng coins. Sa kabilang banda, kung manonood naman ng bidyo, makakakuha ng 10,000 coins.

No Ads

Ang Color Game peryahan ay punong-puno ng ads. Halimbawa, biglang lalabas ang ads kung magri-restart ng round. Kung ayaw makakita ng ads na bigla na lamang sumusulpot, may opsyon ka upang i-upgrade ang laro sa premium. Kaya lang upang mangyari ito, kailangan bilhin ito gamit ang aktwal na pera.

Ano ang mapagkakatiwalaang paraan upang ma-download ang Color Game Perya

Where is a reputable place to download Color Game Perya

Ano ang mapagkakatiwalaang paraan upang ma-download ang Color Game Perya

May dalawang paraan upang i-download ang Color Game Perya. Una ay gamit ang Google Play Store. Ilagay lang sa search bar ang ang pangalan ng laro. Makikita ito agad dahil kabilang ito sa top results. Ang isang paraan naman ay sa pamamagitan ng Color Game pinoy peryahan mod apk. Para ito sa mga nagnanais na gumamit ng apk sa kanilang pag-download. Maaari din itong i-sideload upang malaro ito sa PC. Ang problema nga lang sa ganitong paraan ng pag-download ay mahirap matukoy ang mga file na walang virus o malware. Bukod pa rito, disbentahe rin para sa mga iOS user dahil hindi pa ito available sa App Store.

Upang patuloy na mamamayagpag ang isang online gaming application, mahalaga ang accessibility nito sa mga baguhang manlalaro. Sa kasamaang palad, hindi ganito ang Color Game Perya online. Hindi kagaya ng ibang alternatibong apps gaya ng Big Win Club at Mega Win Casino, mas malawak ang abot nitong mga manlalaro. Maaaring i-download ang mga naitalang app sa App Store, Google Play Store, at maging sa APK. Hindi na rin mag-aalinlangan kung mapagkakatiwalaan nga ba ang platapormang gagamitin dahil ang lahat ng ito ay makikita sa LaroPay. Tumungo lang sa opisyal na website at makikita ang mga ito.

Paano i-download ang larong Color Game Perya

How to download the game Perya Color

Paano i-download ang larong Color Game Perya

Para sa mga nagnanais maranasan ang Color Game sa peryahan, narito ang hakbang kung paano ito i-download. Paalala lang na ito ay para sa mga Android user lamang dahil hindi tugma ang apk files sa iOS devices.

Paraan kung paano i-download sa Google Play Store:

  1. Tumungo sa Google Play Store na makikita sa iyong mobile device.
  2. I-type ang Color Game Perya sa search bar.
  3. Pindutin ang icon ng app at i-click ang Install button.
  4. Hintaying ma-download ang app.
  5. Ayan, simulan na ang paglalaro!

Paraan kung paano i-download ang laro gamit ang APK:

  1. Base sa iyong napiling browser, i-type sa search bar ang pangalan ng app at ilagay ang katagang “apk”.
  2. Pumili ng website kung saan nais mag-download. Tiyaking ligtas ito.
  3. Pindutin ang download button.
  4. Awtomatikong mada-download ang apk file sa iyong mobile device.
  5. Sundin lang ang proseso kung paano ito i-download.
  6. Ayan, simulan na ang paglalaro!

Magrehistro at mag-login sa Color Game Perya

Register and login Color Game Perya

Magrehistro at mag-login sa Color Game Perya

Hindi na kailangan pang magrehistro o mag-login sa Color Game Perya. Oras na i-download ang app, awtomatik na mapupunta sa homepage ng laro. May dalawang pagpipilian upang makapagsimula. Ito ay ang Single Player at Practice button. Makikita rin sa itaas na bahagi ng iyong screen ang iba’t ibang icons na pwedeng pindutin.

Paano laruin ang Color Game Perya app

How to play Color Game Perya app

Paano laruin ang Color Game Perya app

Mula sa homepage, makikita ang single player button. Pindutin lang ito at makikita ang Color Game board perya. Kung mapapansin, may tatlong dice na makikita sa itaas na bahagi nito. Naglalaman ito ng iba’t ibang kulay kada side. Ang mga kulay na makikita rito ay berde, pink, pula, puti, bughaw, at dilaw.

Simple lang ang gameplay ng Color Game Perya. Kailangan lang pumili ng mga kulay na sa tingin mo ay lalabas mula sa tatlong dice. I-click lang ang kulay na napili. Lalabas ang dialogue box kung saan ilalagay mo ang halaga ng iyong taya. Pwedeng manual itong i-type o kaya naman ay i-slide pakanan ang gold coin. Matapos nito, i-tap lang ang done button. Ulitin lang ito hangga’t sa natayaan na ang lahat ng kulay na nais mong tayaan.

Sunod na pindutin ang roll button. Ito na ang kapanapanabik na bahagi ng laro. Dito na matutukoy kung ano-ano nga ba ang kulay na lalabas. Magkakaroon ng markang star ang mga kulay na lalabas sa inirolyong dice. Ulitin lang ito nang ulitin. Ganito kasimple ang paglalaro ng online color game perya.

Mga tips sa paglalaro ng Color Game Perya

Some tips for playing the Color Game Pery

Mga tips sa paglalaro ng Color Game Perya

Nais na subukan ang paglalaro ng Color Game live perya? Narito ang mahahalagang tips na maaaring gamitin sa paglalaro. Akma ito lalo na sa mga baguhang manlalaro.

Sanayin ang sarili sa practice mode

Makikita ang practice button sa iyong homepage. Sa mode na ito, hindi pa maaapektuhan ang iyong taya kung sakaling hindi lumabas ang napiling kulay. Kumbaga ito ay simulation lamang kung ano ang maaaring asahan sa paglalaro ng Color Game Perya. Hindi rin maaaring direktang pumili ng kulay. Tandaan na lang ang mga kulay na sa tingin mo’y lalabas. Magagamit ito upang maging pamilyar sa probabilidad ng kulay na lalabas. Matutukoy rin dito kung anong estratehiyang magagamit kapag sumabak na sa aktwal na laro.

Samantalahin ang libreng gold coins

Araw-araw ay may libreng gold coins na matatanggap. May opsyon din ang mga manlalaro na manood ng ads bilang kapalit ng coins. Mainam kung sisipagan ang panonood dahil ilang segundo lang naman ito. Swak ito para sa mga nais manatiling free to play o F2P. Ang gold coins ang siyang virtual currency ng laro. Hindi maaaring tumaya sa isang kulay kung ubos na ito.

Huwag tayaan ang lahat ng kulay

Ito ang huwag na huwag gagawin kapag tataya sa online Color Game Perya. Marahil ay isipin ng iba na kung tatayaan ang lahat ng kulay, malamang ay tutugma sa kulay na lalabas. Ngunit kung iisiping maigi, sa inirolyong dice tatlo lang ang pinakamaraming kulay na magkakaiba ang pwedeng lumabas. Nangangahulugan na maaaring dalawa lang ang magkaibang kulay ang lumabas dahil sa magkatulad ang kulay sa dalawang dice. O kaya naman ay iisang kulay lang sa tatlong dice. Mas malaki ang talo ng isang manlalaro kung gagawin ito. Ang pinakamainam na bilang ng kulay na itataya ay tatlo. May 50 porsyentong tumugma sa panghuhula.

Obserbahang maigi ang bet table

Ang bet table ang siyang makikita matapos ang kada round. Nakalagay rito ang kinitang gold kada round at ang talong natanggap. Akma itong pahapyaw kung naging maganda ba ang takbo ng iyong pagtaya.

Mga tagubilin sa paglalaro ng mga laro sa Color Game Perya

Notes when playing games at Color Game Perya

Mga tagubilin sa paglalaro ng mga laro sa Color Game Perya

Nakakalibang laruin ang Color Game live perya. Subalit hanggang doon na lang iyon. Wala ng ibang larong maibibigay ang app bukod dito. Hindi kagaya ng ibang laro sa merkado na nagtatampok ng iba’t ibang laro, tunay na matatabunan ito. Sa Bit777 – Tongits Pusoy, tinatayang mayroon itong 14 na laro. Kabilang na rito ang PvP na larong baraha, betting games, at slots. Lahat ng hahanapin ng isang manlalaro, makikita na rito.

Bukod dito, hindi rin mairerekomenda na gumamit ng aktwal na pera upang matanggal ang ads sa app. Masasayang lang din ang iyong pera dahil upang makatanggap ng libreng gold coins, kailangan pa ring manood ng ads. Hindi maaaring mag-cash in at bumili ng gold coins. Makakakuha lang ng dagdag na gold coins araw-araw sa pamamagitan ng mga papremyo ng laro. Kaya kung gagamitin ang feature na ito, malaking kasayangan lang ito ng iyong pera.

Konklusyon

Bilang kabuuan, akma ang Color Game Perya para sa mga naghahanap ng mapaglilibangan. Mabilis lang ang takbo ng bawat round at hindi rin komplikado ang kabuuang gameplay. Kinakailangan lang mahulaan ang kulay na lalabas sa inirolyong dice. Gayunpaman, kung naghahanap ng mas kapanapanabik ng color game, tumungo sa opisyal na website ng LaroPay. Nagtatampok ito ng iba’t ibang online gaming application na mas sulit paggugulan ng oras. Marami ring ibang larong matatagpuan na tiyak na papatok sa iyong panlasa.

Dagdag pa rito,  maaari pang kumita ng aktwal na pera mula sa mga laro sa LaroPay. Nakatitiyak pang ligtas ang personal at pinansyal na impormasyon dahil ginagamitan ito ng pinakabagong teknolohiya. Hinding-hindi rin papahuli ang biswal ng mga app na dahil dekalidad ang hatid nito sa mga manlalaro. Masasabing tila’y makatotohanan ang bawat nagdaang mga round. Sa madaling salita, marami pang ibang alternatibong laro na mas nagdudulot ng kasiyahan at kasanayan kumpara sa Color Game Perya.

image

RAFAEL CRUZ

Ako si Rafael Cruz, palagi akong gumagawa ng content na nauugnay sa mga tutorial, karanasan sa paglalaro at mga detalyadong review ng mga laro at application sa casino sa iOS, Google Play, APK, mga platform ng Website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *