What is Pusoy Dos? How to play Pusoy Dos Zingplay effectively?

POSTED ON August 31, 2023 BY

Tanyag ang Pusoy Dos bilang Filipino Poker. Nakaangkla ang kalakhan ng gameplay nito sa orihinal na Poker game. Maituturing din itong classic game para sa mga mahilig sa card games. Bagama’t bahagyang komplikado ang rules nito, nagpapadagdag ito sa thrill ng paglalaro. Gamit ang diskarte’t talas ng pag-iisip, matutukoy kung ano-ano ang mga kombinasyong una ibaba. Kaya hindi na rin katakataka na maging sa digital world ay marami rin ang nahuhumaling dito. Isa ang Pusoy Dos ZingPlay na nagtatampok ng larong Pusoy Dos. Kung ano ang alituntunin na kinagisnan ng karamihan ay siya ring ginagamit sa laro.

Tungkol sa Pusoy Dos

Tungkol sa Pusoy Dos

Impormasyon patungkol sa Pusoy Dos

Ang Pusoy Dos, o tinatawag ding “Dos”, ay isang popular na shedding card game sa Pilipinas. Orihinal itong nagmula sa bansang Tsina. Karaniwan itong inilalaro ng apat na manlalaro na may tig-13 na baraha. Ang layunin sa how to play Pusoy Dos ay paunahan kung sinong player ang unang makaubos ng hawak na baraha. May iba’t ibang kombinasyong binubuo na similar sa Poker, ngunit makikitang may pagkakaiba pa rin.

Ang manlalaro na unang maubos ang hawak na baraha ang siyang mananalo. Sa tradisyunal na pamamaraan, ang panalo ay makakakuha ng puntos base sa barahang hawak ng ibang players. May iba ring alituntunin at baryasyon ang Pusoy Dos base sa rehiyon at grupo ng mga taong naglalaro. May pagkakaiba sa paraan ng pag-score at mga card combination. Ngunit sa artikulong ito, tatalakayin ang classic at kinagisnang rules ng Pusoy Dos.

Mga tuntunin sa Pusoy Dos

Mga tuntunin sa Pusoy Dos

Mga tuntunin na dapat mong malaman sa paglalaro ng Pusoy Dos

Isa sa pinaka-basic na kailangan matutunan sa larong ito ay ang Pusoy Dos hierarchy. Mahalaga ang suit na taglay ng isang baraha sa pagtukoy ng ranking nito. Mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas: clubs [♣], spades [♠], hearts [♥], at diamonds [♦]. Natatangi ang rules of Pusoy Dos dahil “2” ang pinakamataas nitong single card. Sinundan ng Alas, King, Queen, hanggang sa 3 na may pinakamababang value.

2, Ace, King, Queen, Jack, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3.

Ang mga baraha ay iginugrupo sa iba’t ibang Pusoy Dos combinations. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Single Card: Anumang iisang baraha sa deck.

Hal. 5♥ at K♣

  • Pair: Ito ay binubuo ng dalawang barahang may iisang numero.

Hal. 4♠ – 4♠

  • Three-of-a-kind: Kung ang pair ay grupo ng dalawang baraha, ang kombinasyong ito ay binubuo ng tatlong baraha

Hal. 3♠-3♣-3♥

  • Straight: Ito ay grupo ng mga barahang na magkakasunod ang numerical value. Walang bearing ang suit ng card.

Hal. 6♥-7♠-8♦-9♦-10♥

  • Flush: Kabaliktaran naman ito ng Straight. Sa kombinasyong ito, hindi alintana ang numerical value ng baraha. Ang mahalaga rito ay ang limang baraha ay kabilang sa iisang suit.

Hal. 7♦-5♦-3♦-Q♦-10♦

  • Full House: Ito ay binububuo ng isang three-of-a-kind at isang pair. Nakabase ang rank nito sa halaga ng three-of-a-kind.

Hal. 8♣-8♠-8♠-4♣-4♥

  • Four-of-a-kind: Ito ay binubuo ng apat na barahang kabilang sa iisang suit.

Hal. A♥-A♣-A♠-A♦

  • Straight Flush: Mula sa pangalan nito, ito ay pinagsamang straight at flush. Kung babalikan, ito ay limang magkakasunod na barahang kabilang sa iisang unit.

Hal. 5♦-6♦-7♦-8♦-9♦

  • Royal Flush: Ito marahil ang itinuturing na pinakamalakas na kombinasyon sa Pusoy Dos. Binubuo ito

Base sa Pusoy Dos rules, matutukoy kung sino ang may pinakamalakas na baraha base sa kumbinasyon at rank ng baraha. Narito ang pagkakasunod mula pinakamataas hanggang pinakamababa:

Royal Flush > Straight Flush > Quads > Full House > Flush > Straight > Three-of-a-kind

Explore more: How to play Pusoy: Strategy guide and effective playing tips

Paano laruin ang Pusoy Dos?

Paano laruin ang Pusoy Dos?

Narito ang iyong magiging gabay sa paglalaro ng Pusoy Dos

Matapos malaman ang card ranking at iba’t ibang mga kombinasyon, oras na para matutunan kung paano ito laruin. Narito ang pinadaling how to play Pusoy Dos Tagalog.

  1. Matapos ipamahagi ang mga baraha, ang manlalaro na may 3♣ ang mangunguna sa unang round. Ang 3♣ ay maaaring igrupo sa kahit anong kombinasyon.
  2. Sa susunod na titira, kinakailangang tapatan ang kombinasyon ng nagdaang kalaro. Pwedeng mag-pass kung walang mabubuong mas mataas na kombinasyon.
  3. Kapag nag-pass ang lahat, ang manlalarong naglapag ng huling kombinasyon ang siyang mangunguna sa susunod na round. Maaaring magbaba ng kahit anong kombinasyong nais.
  4. Patuloy na maglalapag ang mga manlalaro ng iba’t ibang Pusoy Dos combinations.
  5. Tatanghaling panalo ang manlalaro ang unang makaubos ng hawak na baraha.

Paalala na sa paglalaro ng Pusoy Dos, ang pair, three-of-a-kind, at five-hard ay kinakailangang may mataas na rank. Sa kabilang banda, ang single cards ay kailangang may mataas din na rank ngunit hindi kinakailangan na may mataas na suit. Dagdag pa rito, maaaring makipagkuntsabahan sa ibang manlalaro upang magpigilan ang manlalarong malapit nang manalo.

Tips sa paglalaro ng Pusoy Dos

Bagama’t kalakhan ng magiging takbo ng laro ay depende sa barahang napunta sa iyo, may kakayahan ka pa ring kontrolin ito. Ang bagay na kaya mong baguhin ay siyang susi sa estratehiyang gagamitin. Narito ang ilan sa maaaring magamit sa paglalaro ng Pusoy Dos.

  1. Mainam kung and unang tatanggalin ay ang mga single card. Habang padami nang padami ang round, mas magiging mahirap kung paano at saan ito gagamitin. Dahil dito, umpisa pa lang ay idispatsa na ang mga ito.
  2. Kailangan maging matalino pagdating sa pamamahala ng mga kombinasyon na may mataas na rank. Isa sa teknik na madalas gamitin ay ang pagtago nito hanggang sa kinalaunang mga round. Makatutulong kung hindi muna ito ilalabas. Ito ay may potensyal na maging iyong winning cards.
  3. Obserbahan ang galaw ng iyong mga kalaban. Kung ano ang mga card na kanilang ibinababa kada round. Mula rito, matutukoy mo na rin kung ano-ano nga ba ang hawak nilang mga baraha.

Read now: Top applications to play Pusoy Gcash for real money

Instruksyon kung paano i-download ang Pusoy Dos ZingPlay

Instruksyon kung paano i-download ang Pusoy Dos ZingPlay

Mga mahahalagang instruksyon sa pag-download ng Pusoy Dos ZingPlay

Isa sa kagandahan ng Pusoy Dos online ay maaari itong malaro nasaan man. Sundin lang ang mga sumusunod na hakbang kung paano i-download ang Pusoy Dos ZingPlay:

  1. Pumunta sa Google Play Store para sa Android users, at App Store naman para sa mga iOS user.
  2. I-type ang ZingPlay Pusoy Dos sa search bar.
  3. Pindutin ang icon ng app. Sunod na i-click ang Install o Get button.
  4. Hintaying ma-download ang app.
  5. Oras na matapos ito, buksan ang app at kumpletuhin ang sign-in details.
  6. Ayan, maaari nang simulan ang paglalaro!

Hindi mahirap hagilapin ang Pusoy Dos ZingPlay dahil lalabs iyo sa pinakataas ng search results. Madami ang bilang ng downloads sa magkaibang platform. Hindi lang iyan, tinatayang may 4.3 average star ratings ito.

Mga tampok sa Pusoy Dos Zingplay

Mga tampok sa Pusoy Dos Zingplay

Mga katangian ng Pusoy Dos ZingPlay

Narito ang mga natatanging feature ng Pusoy Dos para sa isang kapanapanabik na karanasan. Ito ay ang mga sumusunod:

Libreng Gold

Tuloy-tuloy lang ang paglalaro ng Pusoy Dos habang may libreng gold na ibinibigay araw-araw. Ang gold ang siyang virtual in-game currency ng laro na siyang ginagamit sa pagtaya. Mantakin mo, maglalaro na nga lang ay makatatanggap pa ng libreng bonus? Sino ba naman ang aayaw sa libre?

Jackpot

Makukuha ang jackpot para sa lahat ng pinalad na mga manlalaro. Lalabas ito kapag mayroong dalawang royal flush o lahat ng baraha ay straight o flush. Matatanggap din ito kung mayroong tatlong four-of-a-kind  o kaya naman ay apat na three-of-a-kind. Ang jackpot prize ang isa sa pinakamalaking premyo na maaaring makuha rito. Naglalaman ito ng limpak-limpak na bonus na hindi dapat palampasin.

VIP System

May VIP System na iliaan ang laro para sa user accounts na nais makaramdam ng mas lalong espesyal na pagtrato. Magkakaroon ng mga dagdag na bonus at eksklusibong discount para sa mga manlalarong nag-avail nito. Optional lamang ang pagsali rito ngunit kung nais na mas maging kasiya-siya ang karanasan sa paglalaro ng Pusoy Dos, maging miyembro na nito.

Makipaglaro kahit saan kasama ang iyong mga kaibigan

Ito na marahil ang isa sa pinakabentaha sa play Pusoy Dos online. Hindi na kinakailangan pang lumabas ng bahay para lang ma-enjoy ang paglalaro ng Pusoy Dos. Lalo na ngayon dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay may oras para bumyahe para lang makipagkita. Tipid na nga sa oras dahil naiwasan ang pagbyahe, magagamit pa ang oras para makapaglaro ng mas matagal. Hindi na rin mapapagod pa dahil ang enerhiyang dapat ilalaan sa pag-commute ay makakatulong sa pagbuo ng taktika. Buksan lang ang app para kumonekta sa mga kaibigan at kalaro. Ilang click lang gamit ang iyong phone ay tila kasama mo na sila. Mag-sign in lang gamit ang iyong Facebook, Google, o kaya Zing account.

Mainam din ito para sa mga manlalarong mahiyain na makipagkaibgan sa aktwal na buhay. Maganda itong panimula upang makahanap ng kaibigan. Hindi na mahihirapan pang maghanap ng topic dahil parehas namang interesado sa paglalaro ng Pusoy Dos.

Iba’t ibang emojis

Madaling magbunga ng hindi pagkakaintindihan kapag hindi matukoy ang tono ng kausap sa online. Paminsan ay inaakalang galit ang ka-chat ngunit hindi naman pala. Kaya masasabing mahalaga talaga ang paggamit ng iba’t ibang emoji upang mas maging klaro ang ekspresyon na nais iparating. Habang sa play Pusoy Dos, nakatutulong ang emojis upang mas maging masigla ang daloy ng usapan. Nakakadagdag kasiyahan pa ito dahil mas maipapakita ang kulitan sa pagitan ng mga manlalaro. Mas madali nang magagawa ang pakikipagkuntsabahan sa isa sa mga kalaro na pigilan ang pagkapanalo ng isa pang manlalaro.

Tandaan: Ang Pusoy Dos ay hindi maaaring kumita dito at walang pagkakataon na i-convert ang mga panalo sa totoong pera. Samakatuwid, ang laro ay para lamang sa mga layunin ng libangan, ngunit kung gusto mong maglaro ng mga laro na nagdudulot ng kita, maaari mong maranasan ang: Big Win 777, Apo Casino, Big Win Club…

Konklusyon:

Ang paglalaro ng Pusoy Dos ay magandang libangan na nagpapaigting sa isang magiliw na kompetisyon. Nakaangkla ang larong ito sa swerte at estratehiyang binubuo ng mga manlalaro. Dahil dito, umusbong ang mga larong gaya ng Pusoy Dos ZingPlay kung saan maaaring laruin ito online. Subalit tandaan na ang online gaming app na ito ay nakapokus lang sa adult audiences. Walang sangkot na anumang aktwal na pera. Isa lamang itong porma ng Pusoy Dos na pampalipas oras at pagtanggal ng stress.

image

RAFAEL CRUZ

Ako si Rafael Cruz, palagi akong gumagawa ng content na nauugnay sa mga tutorial, karanasan sa paglalaro at mga detalyadong review ng mga laro at application sa casino sa iOS, Google Play, APK, mga platform ng Website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *