Pusoy Tricks, Strategy and Tips to help you win big

POSTED ON November 1, 2023 BY

May dalawang bagay upang manalo: aralin ang tuntunin at maging pamilyar sa pusoy tricks. Ito ang dalawang pangunahing bagay na kailangan magamay ng isang manlalaro kung naghahangad itong manalo. Marami ang nagpapakampante pagdating sa mga larong baraha dahil inaakala nilang tsansa lang ang lahat. Tunay ngang may kinalaman ang tsansa sa iyong pagkapanalo, ngunit kalakhan nito ay nakabatay pa rin sa iyong kaalaman bilang manlalaro. Kung paano mo gagamitin ang mga natutunang pusoy tricks at kung paano ito gagawing iyo. Nang sa gayon, makabuo ng taktika na magagamit tuwing naglalaro.

Pagpapakilala sa Pusoy

Introducing Pusoy

Pahapyaw na detalye hinggil sa larong Pusoy

Isa ang Pusoy sa pinakasikat na larong baraha sa Pilipinas. Kumpara sa ibang katunggali nitong laro, mas komplikado ang tuntunin nito. Binubuo ito ng tatlong poker hands. Sa pinakamataas na hanay ay nakapwesto ang tatlong baraha. Ang ikalawa at ikatlong hanay naman ay naglalaman ng limang baraha.

Ang pangunahing layunin ng Pusoy ay ayusin ang hawak na baraha sa pinaka epektibong kombinasyon. Ang pinakababang hanay ng baraha ay siyang dapat pinakamalakas na kombinasyon. Sinundan ito ng ipang-gitnang hanay at pinakamababa naman dapat ang tatlong barahang natitira sa itaas. Dahil dito, nararapat lang na maging maparaan at madiskarte ang manlalaro sa pusoy tips and tricks. Oras na magamay ang estratehiyang angkop para sa iyo, magsisilbi itong bala mo kapag sumabak na sa labanan.

Pangunahing tuntunin sa pakikipaglaban kapag naglaro ng Pusoy

Basic fighting when playing Pusoy

Mga dapat tandaan tuwing naglalaro ng Pusoy

Kagaya ng ibang laro, bukod sa pangunahing tuntunin ay importanteng maging maalam sa iba’t ibang pusoy tricks. Susi ito para patuloy na manalo sa mga katunggali. Gayunpaman, hindi naman nangangahulugan na dapat ay alam mo na lahat ng diskarteng mayroon sa paglalaro ng Pusoy. Ang mahalaga rito ay may sapat kang pundasyon para makatulong sa iyong makabuo ng angkop at epektibong taktika. Sa umpisa ay obserbahan ang magiging daloy ng laro. Aralin at pagmasdan hanggang sa pinakamaliit na detalye ng galaw ng kalaban. Tulad na lamang kung ano ang paraan nila sa pagbuo ng mga kombinasyon sa deck.

Gayundin, kailangan maging maingat sa crack. Ito ay nangyayari kapag mas mataas ang halaga ng panggitnang hanay kumpara sa pinakamababang hanay. Tandaan na dapat ang pinakababa ang pinakamatibay mong posibleng kombinasyong bubuuin. Nararapat lamang na maging alerto sa bahaging ito dahil karaniwan itong pagkakamali ng mga manlalaro. Isa ito pusoy tricks na hindi dapat kaligtaan dahil malaki ang magiging danyos sa iyo kapag nagkataon.

Huwag bara-bara sa pagsasaayos ng cards. Alamin ang iba’t ibang kombinasyon at ilapat ang pinakaepektibong kombinasyong posibleng mabuo. Iayos ang mga baraha sa espisipikong paraan na makatutulong sa iyong panalo. Ilagay ang kombinasyon na may pinakamataas na ranggo sa ibabang hanay. Isipin mo na lamang na ito ang solidong pundasyon ng iyong mga baraha. Similar sa pagtatayo ng isang gusali, kapag hindi matibay ang pagkakagawa ng base, may posibilidad itong gumuho. Gayundin sa paglalaro ng pusoy. Isang pusoy tips na epektibo sa lahat ay ang pag-una ng iyong pundasyon. Nang sa gayon, dito mo na ibabase ang ibang hanay. Ito dapat ang iyong pangunahing prayoridad.

Oras na nabuo mo na ang iyong base, ang sunod na dapat buuin ay ang panggitnang hanay. Bagaman ito ay pangalawang prayoridad lamang, malaki pa rin ang magiging epekto nito sa magiging takbo ng laro. Hindi nangangahulugang dapat na itong ipagwalang-bahala. Madalas itong pagkakamali ng mga manlalaro. Nagiging kampante na ang manlalaro kapag nakita nilang mataas ang halaga ng nabuong base. Tandaan na ang batayan ng magiging panalo ay nahahati sa tatlong bahagi. Kung tanging sa pinakamababang hanay ka lang panalo, posibleng matalo pa rin sa dalawang hanay. Kaya ang solusyon dito ay bigyang sapat na atensyon ang lahat ng hanay.

Tips at tricks sa paglalaro ng Pusoy

Tips and tricks for playing Pusoy

Mga tip at trick na makakatulong upang manalo sa larong Pusoy

Sa pagbuo ng iyong hanay, mahalagang iprayoridad ang pinakamababang hanay. Sunod na buuin ang ikalawa at panghuli ang “ulo” o ang tatlong barahang matitira. Depende ito sa sitwasyon na mangyayari. Bagaman paulit-ulit na nabanggit na dapat bigyang prayoridad ang iyong base, isang pusoy strategy na maipapayo sa iyo ng LaroPay ay ang pagpapamahagi ng iyong baraha.

Paano ito? Halimbawa, sabihin na natin na four-of-a-kind ang pinakamataas na kombinasyon na iyong pwedeng mabuo. Subalit kung gagawin ito ay magiging one pair na lang ang posibleng mabuo sa iyong ikalawang hanay. Ngunit kung gagawin ang pusoy tricks na pagpapamahagi ng iyong base, mas mataas ang iyong tsansang manalo. Sa halip na four-of-a-kind ay magiging full house na lamang ang iyong base. Ngunit, kung ang ikalawang hanay naman ay magiging flush, mas mataas ang magiging kabuuang halaga ng iyong baraha. Mula rito, masasabing mas abot nito ang iyong pagkapanalo.

Narito ang pagkakasusunod-sunod ng mga kombinasyong posibleng mabuo:

Royal Flush > Straight Flush > Four of a Kind > Full House > Flush > Straight > Three of a Kind > Two Pairs > One Pair > High Hand.

Royal Flush ang pinakamalakas na kombinasyon, samantalang high hand naman ang pinakamababa. Isaalang-alang ang pagkakasunod-sunod sa taas dahil tiyak ay magagamit ito sa pagbuo ng pusoy tricks.

Read now: Top applications to play Pusoy for real money and withdraw money via Gcash

Ilang mga tagubilin sa paglapat ng tips at tricks sa paglalaro ng Pusoy

Some notes when applying Tips and tricks for playing Pusoy

Mga bagay na dapat alalahanin pagdating sa usapin ng Pusoy tips at tricks

Narito ang ilan sa mga tagubilin sa tuwing inilalapat ang pusoy tricks:

  1. Maging bukas sa lahat ng tips at tricks na maaaring maaral – Langkapan ang sarili ng iba’t ibang estratehiya na posibleng magamit sa paglalaro. Maaaring ang epektibo sa isang manlalaro ay hindi maging epektibo sa iyo. Alamin kung ano ang pinakaangkop na taktikang gagamitin.
  2. Huwag umasa sa iisang trick – Mainam kung maraming trick na ginagamit kada round. Matutukoy kung anong diskarte ang gagamitin habang nagsasanay lalo sa paglalaro.
  3. Magkaroon ng bukas na mentalidad – Huwag maging sarado ang isipan at maging kampante sa sarili. Patuloy na obserbahan ang galaw ng kalaban. Maging mapagmatyag at palawakin ang karanasan sa paglalaro ng pusoy.
  4. Mag-enjoy sa paglalaro ng pusoy – Mas nagiging kasiya-siya ang paglalaro ng pusoy oras na magamay mo na ang kalakaran nito. Mas magiging kapanapanabik ang bawat round lalo na’t alam mong may laban ka sa iyong mga katunggali. Hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam kapag sunod-sunod ang iyong panalo?

Konklusyon

Sa kabuuan, ibinahagi sa artikulong ito ang iba’t ibang tips at tricks na magagamit sa paglalaro ng Pusoy. Kung ikaw ay naghahanap ng laro kung saan maaaring maglaro ng pusoy online, tumungo lang sa opisyal na website ng LaroPay. Ang LaroPay ay naglalaman ng iba’t ibang laro na nagtatampok ng pusoy. Ano pa ang hinihintay mo, maglaro na at ilapat ang pusoy tricks na iyong natutunan!

image

RAFAEL CRUZ

Ako si Rafael Cruz, palagi akong gumagawa ng content na nauugnay sa mga tutorial, karanasan sa paglalaro at mga detalyadong review ng mga laro at application sa casino sa iOS, Google Play, APK, mga platform ng Website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *