Review: Pusoy ZingPlay – 13 Cards Game – Pusoy ZingPlay App

POSTED ON September 1, 2023 BY

Ang Pusoy ZingPlay – 13 cards game ay dinesenyo upang mapagpraktisan ng mga manlalarong nais magsanay sa Pusoy. Nagbibigay ito ng komprehensibong detalye ukol sa takbo ng pag-unlad ng players. Makikita ang datos kung gaano kadalas manalo, bilang ng Pusoy, at marami pang iba. Gayunpaman, masasabi nga bang sulit pa ring i-download ang Pusoy ZingPlay APK kumpara sa mga kakumpetensya nitong online gaming applications? Ano nga ba ang maibibigay ng larong ito laban sa iba pang mga sikat na app gaya ng Apo Casino, Mega Win, at BigWin Pusoy 777?

Tungkol sa Pusoy ZingPlay – 13 cards game

Mga impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa Pusoy Zingplay - 13 Cards Game

Mga impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa Pusoy Zingplay – 13 Cards Game

Hango ang Pusoy ZingPlay – 13 cards game sa classic na larong Pusoy. Ito ay isang shredding card game na nagmula sa bansang Tsina. Patuloy na lumaganap ang larong ito hanggang sa kahabaan ng Silangang Asya at Timog-Silangang Asya. Bukod sa Pilipinas, mayroon din itong baryasyon sa ibang bansa gaya ng Indonesia, Taiwan, Hongkong, at Vietnam. Ito ang pangunahing larong tampok na makikita rito.

Ang unang impresyon na mapapansin sa Pusoy ZingPlay – 13 cards game ay ang makulay at kaaya-aya nitong biswal. Malikhain ang mga ginamit na animated icon gaya na lang pambansang-kamao ng Pilipinas, si Manny Pacquiao. Mayroon siyang miniature version na makikita sa MMA Tour na feature. Makikita rin ang napaka-cute na fox mascot. Swabe rin ang daloy ng animation sa lahat ng icon. May lumalabas ding mga maliliit na hugis puso at bulaklak sa tuwing ini-swipe ng daliri ang homepage. Bukod pa rito, nilangkapan pa ito ng kaaya-ayang musika na talaga nga namang bagay sa ZingPlay Pusoy. Tila nasa lobby ng isang mamahaling hotel, ganoon ang pakiramdam.

Idol Quest

Isa ito sa feature na makikita sa Pusoy ZingPlay – cards game. Ang quest ay tumutukoy sa level na kailangan lagpasan. Bago ma-unlock ang susunod na quest, kailangang gawin muna ang hinihinging kondisyon. Halimbawa, sa quest 2 ay kailangan manalo ng 15 na puntos table. May karampatang bonus sa tuwing magagawa ang mga ito. Nagsisilbi itong gabay lalo na sa mga baguhang manlalaro.

Choose Table

Maaaring pumili ng table kung saan nais maglaro. Nahahati ito sa iba’t ibang mga siyudad sa bansa gaya ng Cebu, Davao, Quezon, at Manila. Bukod pa rito, iba-iba rin ang bet rate sa bawat lugar. Cebu ang may pinakamababang bet rate na 2,000 gold. Samantalang Manila naman ang may pinakamataas na umaabot ng 10,000,000 gold.

MMA Tour

Ang MMA Tour ang lingguhang event ng Pusoy ZingPlay – 13 cards game. Nahahati ito sa apat na bahagi: mini, minor, major, at grand. Simple lang ang gameplay nito, mahanap ang Champion Belt mula sa limang medalya. Kinakailangan ng ticket bago makapaglaro. Maaaring bilhin ang ticket o kaya naman ay matanggap na reward bonus.

Rebyu ng Pusoy ZingPlay – 13 cards game

Mahahalang impormasyon sa kalidad ng Pusoy Zingplay - 13 Cards Game

Mahahalang impormasyon sa kalidad ng Pusoy Zingplay – 13 Cards Game

Sa bahaging ito mabusising tatalakayin ang ang mga positibo at mga kailangan pang pagbutihin sa Pusoy ZingPlay – 13 cards game.

In-Game na mga laro sa Pusoy ZingPlay

Bukod sa Pusoy na pangunahing tampok nito, mayroon din itong ibang laro gaya ng Tongits, Pusoy Dos, Lucky 9, at Color Game. Binigyan nito ng variety ang mga manlalaro upang hindi madaling magsawa sa iisang laro. Gayunpaman, masasabing napag-iiwanan pa rin ang Pusoy ZIngPlay – 13 cards game kumpara sa mga kakumpetensyang app. Kung mapapansin, pawang mga PvP na card games lang ang makikita rito. Mayroon isang naiibang game of chance. Ngunit bukod dito, wala ng bago.

Marahil nais ng game developer na magpokus sa iisang uri ng laro. Subalit sa panahon ngayon na kung saan nagsisisulputan ang iba’t ibang online gaming applications, kailangan may edge ito. Kailangan magkaroon ng natatanging katangian na matutugunan ang pangangailangan ng mas malawak na madla. Ano ang maibibigay nito sa consumers lalo na’t pabago-bago ang panlasa ng mga manlalaro.

Ito ang kinaibahan ng mga larong makikita sa LaroPay. Masasabing one-stop shop na ito dahil lahat ng uri ng online game ay makikita na rito. Anuman ang naisin, agad itong malalaro. Maaaring mag-refer sa mga online gaming apps gaya ng Mega Win, Apo Casino, at Bigwin Pusoy 777.

Plataporma ng Pusoy ZingPlay

May dalawang platform para sa Pusoy ZingPlay download. Maaari itong i-download sa Google Play Store para sa Android users, at App Store naman para sa mga iOS users.  Sundin lang ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Buksan ang Google Play Store o App Store. I-type ang Pusoy ZingPlay – 13 cards game sa search bar.
  2. I-click ang icon ng app. Sunod na pindutin ang Get o Install button.
  3. Hintayin itong ma-download.
  4. Kumpletuhin ang sign-in details.
  5. Simula na ang paglalaro!

Mga inaalok at promosyon sa Pusoy ZingPlay app

Narito ang mga inihahandog na promosyon ng Pusoy Zingplay app na ito

Narito ang mga inihahandog na promosyon ng Pusoy Zingplay app na ito

Limpak-limpak ang bonus at promotions sa Pusoy ZingPlay Philippines. Kahit sa mga bagong gawang account, makakatanggap na ito ng 150,000 na gold coins. Bukod pa rito, may dagdag na mga gold support at bonus gole level up sa tuwing tumataas ang iyong level.

Daily Bonus

Araw-araw ay may matatanggap na dagdag bonus sa tuwing magla-login sa Pusoy ZingPlay – 13 cards game. Tinatayang mula 20,000 hanggang 150,000 na gold coins ang maaaring matanggap.

Piggy Bank

Sa tuwing nananalo, may itinatabing gold coins na ilalagay sa iyong piggy bank. Maiipon ito nang maiipon hanggang sa maaari na itong “basagin”. Ngunit tandaan na kailangang maglabas ng aktwal na pera para makuha ang naipong gold coins. Bukod dito, may tickets ding matatanggap na magagamit sa MMA tour.

Lucky Deal

Sa loob ng limitadong oras, may deal na ino-offer ang laro. Napakalaking discount ang makikita rito kaya madalas itong samantahin ng ilang manlalaro.

Suporta para sa mga manlalaro

Isa sa pinakamahalagang aspeto sa pagpili ng mapagkakatiwalaang online gaming application ay kung gaano kabilis tumgon ang kanilang customer support. Makikita ang support na option ng Pusoy ZingPlay – 13 cards game sa settings. Oras na i-click ito, marere-direct ka sa messenger ng kanilang official Facebook page. Ang problema nga lang dito ay mabagal ang kanilang pagtugon pagdating sa katanungan o anumang concern ng mga manlalaro. Naiintindihan na marahil ay maraming nagpapadala ng message, ngunit kumpara sa iba, masasabing may pagkukulang sa parteng ito.

Ang online gaming applications na makikita sa LaroPay ay hindi lang mabilis sa pagtugon, kundi 24/7 din ang availability. Hindi kagaya ng sa Pusoy ZingPlay – 13 cards game na tuwing gabi ay hindi wala ng available na sasagot. Hindi ito produktibo dahil ang kasagsagan ng paglalaro ng online players ay tuwing oras ng gabi. Nararapat lang na dapat sa ganitong oras mas aktibo ang customer support.

See more: Top applications to play Pusoy Gcash for real money

Paraan ng pag-withdraw

Hindi maaaring mag-withdraw ng aktwal na pera sa Pusoy ZingPlay – 13 cards game. Pwede lamang mag-cash in kung nais bumili ng gold coins, diamonds, at tickets. Bukod dito, hindi na maaaring makuha ang mga napanalunan. Kumbaga ang layunin ng laro ay magsilbing pagsasanay lang sa aktwal na paglalaro ng Pusoy. Nakakapanghinayang lang ang mga bonus at panalong natanggap kung hindi naman pala ito maaaring i-withdraw. Kaya mainam pa rin talaga ang ibang gaming applications na may option na i-cash out ang napanalunan. Hindi lang ito isang porma ng libangan kundi pwede ring maging sideline.

Ang Bit777 – Tongits Pusoy Global ay hindi lang may isa o dalawang option ng withdrawal method kundi tatlo! Bukod sa local e-wallets, Gcash at Paymaya, kasama rin dito ang Crypto USDT sa listahan. Nangangahulugan na hindi lang mga Pinoy na nasa bansa ang maaaring makapag-withdraw kundi maging ang mga kababayan din nating nasa ibang bansa. Nagbubukas ito ng panibagong pinto para sa kanila upang hindi na mahirapan pa sa anumang pinansyal na transaksyon.

Dito masasabing bahagyang nagkulang ang Pusoy ZingPlay – 13 cards game. Sa panahon ngayon ay naghahanap na ang mga manlalaro ng betting apps na hindi lang kasiyasiya bagkus ay may kapasidad pa para kumita. Mas ramdam ang bawat panalo kung pwede itong i-convert sa aktwal na pera.

Bracelet Collection

Ang bracelet collection ang eksklusibong feature ng Pusoy ZingPlay – 13 cards game. Ginagamit ito upang subaybayan ang progress ng manlalaro. Nahahati ito sa anim na bahagi:

  • Pro Pusoy Bracelet
  • Platinum Pusoy Bracelet
  • Chromium Pusoy Bracelet
  • Ultimatum Pusoy Bracelet
  • Infinity Pusoy Bracelet
  • Crystal Pusoy Bracelet

Makakakuha ng bracelet points (BP) sa tuwing nanalo sa paglalaro ng Pusoy. Habang patuloy na nakakalikom ng BP, mapupuno nito ang BP bar. Magreresulta ito sa pagkolekta ng collector’s chips. Ang collector’s chips ang siyang ginagamit para mabuo ang isang bracelet. Oras na makumpleto ito, matatangap na ang collection bonus.

Mas magiging mabilis ang progress sa tuwing tumataya sa higher-stake tables. Halimbawa, kung napili mong pumasok sa table ng Quezon City, may apat na bet rate na maaaring piliian. Nagkakahalaga ito ng 200k, 300k, 500k, at 1M. Mapapabilis ang momentum kung pipiliin ang 500k kaysa sa 300k na bet rate. Bukod pa rito, makakadagdag din kung sunod-sunod ang iyong winning streak.

Pagbutihin ang kasanayan sa paglalaro ng Pusoy

Marahil ang pangunahing pokus ng larong ito ay magamay ang how to play Pusoy ZingPlay. Sa halip na maging alternatibong option ito upang kumita, ang pinakalayunin nito ay mahasa ang kakayahan ng mga manlalaro. Komprehensibo ang datos na nakatala rito. Sa profile information, makikita ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Total games: Kabuuang bilang ng paglalaro.
  • Wins: Bilang ng panalo.
  • Win rate: Porsyento kung gaano kadalas manalo.
  • Pusoy: Bilang ng na-pusoy ang mga kalaban.
  • Winner takes all: Nahakot ang kalakhan ng gold coins sa isang round.
  • Biggest Win: Pinakamataas na panalo.
  • Joined: Haba kung gaano na katagal ginagawa ang download Pusoy ZingPlay.

Sa total games na bahagi, maaaring i-click ang icon sa gilid upang makita ang history ng iyong mga nagdaang laro. Nakatala rin ang oras kung kailan ito huling inilaro at ang stake o ipinusta. Bukod sa profile information, makikita rin ang achievements tab. Dito naka-display ang super league trophies na siya ring patunay ng iyong progress.

Ang konsepto rin ng bracelet collection ay naglalayong makatulong sa pag-monitor ng progress ng isang manlalaro. Binigyan lang ito ng dagdag na twist upang mas maging kasiyasiya ang akto ng pangongolekta ng collector’s chips. Maging ang idol quest din ay ganoon din ang layunin dahil sa mga nakatakdang goal para sa players.

Konklusyon

Ang Pusoy ZingPlay – 13 cards game ay mainam para sa mga manlalarong nais mahasa sa paglalaro ng Pusoy. Nagbibigay ito ng komprehensibong datos ukol sa takbo ng pag-unlad ng isang player. Nakatala ang bilang ng panalo, porsyento ng panalo, bilang ng larong kinabibilangan, at marami pang iba. Nagbibigay rin ito ng iba’t ibang goals upang mag-udyok sa mga manlalarong ituloy lang ang paglalaro. Ang ilan sa mga ito ay ang bracelet collection at daily bonus.

Gayunpaman, hindi ito mairerekomenda sa mga manlalarong naghahanap ng dagdag na pagkakakitaan. Hindi maaaring ma-withdraw ang mga napanalunan gaano man ito kalaki. Wala ring baryasyon pagdating sa mga larong kanilang ino-offer. Lalo na sa panahon ngayon na kung saan patuloy na nasisisulputan ang iba’t ibang online gaming applications. Mahalagang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng consumers dahil patuloy itong nagbabago. Bukod pa rito, mabagal at hindi maasahan ang kanilang player support. Mainam kung hanggang gabi rin ang availability ng pagbibigay ng suporta dahil ang kasagsagan ng paglalaro ay tuwing gabi.

Dahil dito, masasabi ba na ang Pusoy ZingPlay – 13 cards game downloadable content? Mas matimbang ang hindi. Maraming ibang alternatibong online game applications ang nagtatampok ng mas pinabuting bersyon nito. Ang ilan sa ito ay makikita sa LaroPay gaya ng Apo Casino, Mega Win, at Big Win 777. Mas makabubuti ang Pusoy ZingPlay – 13 cards game para sa mga nais magsanay pa lang

image

RAFAEL CRUZ

Ako si Rafael Cruz, palagi akong gumagawa ng content na nauugnay sa mga tutorial, karanasan sa paglalaro at mga detalyadong review ng mga laro at application sa casino sa iOS, Google Play, APK, mga platform ng Website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *