Tongits War – App Game Earn Real Coin Reward Offline

Ang Tongits War ay isa sa mga online gaming app na umusbong nitong mga nakaraang taon. Hindi na rin ito nakapagtataka dahil karamihan ng ating buhay ay umikot sa digital world. Dahil may limitasyon sa aktwal at pisikal na pakikisalamuha, kinailangan ang tulong ng makabagong teknolohiya upang umangkop dito. Naging tambayan din ng marami ang app na ito. Isa sa tampok ng Tongits War ay ang pagkakaroon nito ng offline mode. Kahit hindi konektado sa interenet, maaari pa ring makapaglaro. Narito ang LaroPay upang bigyan ng rebyu upang bigyan ka ng ideya patungkol dito. Alamin kung paano mapalago ang puhunan.

Tungkol sa Tongits War

About Tongits War
Pagpapakilala sa larong Tongits War

Kapag sinabi ang card game, ang pinakaunang larong maiisip ng marami sa atin ay ang Tongits. Hindi maikakailang ito ang pinakasikat na card game sa bansa. Ang tuntunin nito ay balanse sa pagitan ng pagiging simple at komplikado. Kombinasyon din ito ng swerte, diskarte, at kasanayan kaya hindi nakapagtatakang marami ang nahuhumaling dito. Gamit ang karaniwang 52-card deck, ito ay karaniwang nilalaro ng dalawa hanggang apat na manlalaro. Ang pangunahing layunin ng Tongits ay makabuo ng iba’t ibang “meld” o bahay hanggang sa tuluyang maubos ang hawak na baraha. Ang proseso sa paglalagay ng baraha sa nabuong bahay ng katunggali ay sapaw.

Hal. 1 8♦-8♣-8♥ [meld na nabuo ng kalaban] – 8♠ [card na pwedeng isapaw]

Hal. 2 3♣-4♣-5♣-6♣ [meld na nabuo ng kalaban] – 2♣ o 7♣ [cards na pwedeng isapaw]

Kaya hindi na rin katakataka kung bakit maging ang mga online Tongits na laro ay sikat din sa merkado. Mas lalong umusbong ang online gaming noong pandemya dahil lahat ng transaksyon ay naging online. Naghanap din ang mga tao ng mapagkakaabalahan habang ginagambala ang isipan sa nakaambang krisis. Isa na rito ang Tongits War na kinagiliwan ng iilan. Ito ay isang uri ng online gaming app na itinatampok ang tongits bilang pangunahing laro. Nakaangkla ang kalakhan ng gameplay nito sa tradisyunal na tongits ngunit nilagyan pa rin ng twist.

Sa Tongits War, ang mga barahang hindi kabilang sa bahay ang siyang ginagamit upang ikalkula ang kabuuang puntos. Tatanghaling panalo ang manlalaro na may pinakamababang puntos. Nagtatampok din ito ng iba’t ibang modes na kagigiliwan ng lahat. Hindi rin dapat palampasin ang Tongits War gift code para makakuha ng dagdag na pampuhunan. Maaaring i-download ang larong ito sa iba’t ibang downloading platforms.

Mga laro sa Tongits War

Games in Tongits War
Isa-isahin ang mga larong makikita sa Tongits War

Sa Tongits War, tanging Tongits lamang ang larong tampok nito. Gayunpaman, marami naman itong mode na tiyak na kagigiliwan ng marami. Isa na rito ay ang pinakabago nitong offline mode. Noong Oktubre 3, 2020 unang inilabas ang kauna-unahan nitong bersyon. Sa bersyon na ito, hindi pa available ang offline mode. Kaya upang makapaglaro ng Tongits, kinakailagan pa munang kumonekta sa internet. Ngunit sa pinakabago nitong update, nagdadag ang game developers ng offline mode upang tugunan ang panawagan ng mga manlalaro. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nais na makipagtunggali. May mga panahon din na nais lang na chill lang sa paglalaro.

Isa pang uri ng laro na makikita rito ay ang battle mode at tournament. Kapwa mode ay nagtatampok ng pakikipagtunggali sa iba pang mga manlalaro. Kapanapanabik ito dahil dito tiyak na masusubok ang iyong galing sa paglalaro ng Tongits. Aktwal na mga manlalaro ang makakalaban. Maoobserbahan dito kung ano-ano ang mga teknik na kanilang ginagamit sa paglalaro. Maaari ding pumili kung saang betting table nais pumasok.

May mga table na mas malaki ang kailangang pusta kumpara sa iba. Makakatulong ito upang masukat ang galing ng mga manlalaro. Kapag nasa mas mataas na betting table, nangangahulugan lamang na mas sanay na ang mga ito sa paglalaro. Mula rito, maaari nang bumuo ng estratehiya kung paano mapapaikot ang puhunan. Magsimula muna sa mga table na may mababang betting fee. Matapos nito, maaari nang unti-untiin ang pag-akyat sa mas mataas na betting table.

Gayunpaman, kung ikukumpara ang Tongits War sa ibang mga larong makikita sa merkado, masasabing marami pa rin itong kailangan pag-ibayuhin. Tulad na lamang ng mga larong tampok sa LaroPay. Mantakin mo, tumatayang 14 na laro ang makikita rito. Isa na rito ay ang Big Win Club na kinagiliwan ng karamihan. Kaya kung ikukumpara ang Tongits War sa mga larong makikita sa LaroPay, ‘di hamak na mas kasiya-siya ang mga ito.

Mga tampok sa Tongits War

Features of Tongits War
Mga dapat asahan habang naglalaro ng Tongits War

Mayroong iba’t ibang tampok sa Tongits War na patuloy na nangeenggayo sa mga manlalaro. Narito ang mga bagay na dapat asahan sa laro.

Practice Game

Maaaring maglaro ng offline gamit ang feature na ito. Sa madaling salita, kahit hindi konektado sa internet, pwede pa ring maglaro. Ginagamit ito ng mga manlalarong mahina o wala talagang access sa internet. Kaya nga lang, sa feature na ito, hindi maaaring makipaglaro sa ibang user accounts.

Basic Game

Ito ang single player mode ng laro. Maaaring gamitin ang feature na ito upang sanayin ang sarili sa paglalaro ng Tongits. Dahil sistema ng laro ang kalaban, matututunan dito ang potensyal na galaw ng mga kalaban.

Battle Game

Ito ang multiplayer mode ng Tongits War. Gamit ang feature na ito, maaaring makipagtunggali sa ibang manlalaro. Dito masusukat ang iyong galing sa paglalaro ng Tongits. Dito rin makikita ang iba’t ibang estratehiyang ginagamit ng ibang manlalaro.

Free Chips

Makakatanggap ng libreng chips araw-araw! Pindutin lang ang icon ng free chips upang malaman ang mga kondisyon na kailangang gawin. Pabago-bago ito. Paminsa’y pwedeng makakuha ng libreng chips gamit ang pag-login lamang.

The Tong Jar

Ang Tong Jar ang isa sa pinakabagong tampok sa Tongits War. Maihahalintulad ito bilang ipon mo sa kalakhan ng paglalaro. Parte ng panalo kada round ay mapupunta rito. May karagdagang bonus din na matatanggap sa kabuuan. Ngunit upang makuha ito, kailangan bilhin gamit ang aktwal na pera sa discounted na presyo.

Read now: Instructions for playing Tongits real money

Paano maglaro sa Tongits War ng offline

How to play Tongits War Offline
Paraan kung paano laruin ang Tongits War ng offline

Makatutulong ang offline mode para sa mga manlalarong walang akses sa internet sa lahat ng pagkakataon. Mainam din ito kung mahina ang sagap ng internet dahil may posibilidad na hindi mag-load ang Tongits War. Kapag nangyari ito, awtomatik nang matatalo ang iyong account. Kaya narito ang paraan kung paano ito laruin offline.

  1. Bago ang lahat, kailangan munang i-download ang app sa iyong mobile device.
  2. Sunod na i-load ang lahat ng datos na kinakailangan upang gumana ito kahit walang internet.
  3. Matapos nito, subukan munang maglaro ng isang beses ng nakakonekta sa internet.
  4. Kapag nakitang matagumpay na nagagawa ito, isarado ang app.
  5. Tumungo sa iyong homepage at buksang muli ang app. Ayan, maaari ng maglaro offline!

Paalala lang na kapag naglalaro ng Tongits War offline, hindi maaaring makipagtunggali sa ibang manlalaro. Tanging ang sistema lang ng laro ang iyong makakalaban. Mainam ito para sa mga manlalarong nais magsanay. Ngunit kung gagawin sa matagal na oras, nakakabagot na rin kinalaunan. Mas kapanapanabik pa rin ang paglalaro ng Tongits War kasama ang mga aktwal na manlalaro. Iba pa rin ang kapasidad ng isang taong nag-iisip kumpara sa AI ng isang laro.

Kung tutuusin, kung nais umusbong pa lalo ng Tongits War sa larangan ng online games, kailangan din nilang buksan ang kanilang pintuan para sa iOS users. Hindi available ang larong ito sa App Store. Hindi gaya ng Big Win Club at Mega Win Casino, na kapwa mga larong makikita sa LaroPay, walang ka-hassle hassle itong malalaro ng mga iOS users. Dahil dito, mas nabibigyan sila ng oportunidad na lumahok at manalo.

See more: Top 5 applications to play Tongits to GCash Online for real money

Mga tuntunin sa paglalaro ng Tongits War

Basic Rules Tongits War
Mga tuntuning dapat tandaan sa paglalaro ng Tongits War

Narito ang pangunahing mga tuntunin sa paglalaro ng Tongits War. Kagaya ng tradisyunal na tongits, dito lang din nakaangkla ang kabuuang gameplay ng laro.

Umpisa pa lamang ng laro, mahalagang magbaba ng meld o bahay. Importanteng tandaan ang bahaging ito nang hindi magulat oras na tumawag ng “fight” ang katunggali. Ang fight ang siyang tampok ng Tongits War kung saan pagkukumparahin ang ranggo ng mga baraha. Kapag mas mababa ang kabuuang ranggo ng bawak na baraha, mas mataas ang tsansang manalo. Makukuha ang kabuuang halaga ng hawak na baraha mula sa mga barahang hindi kabilang sa kombinasyon. Narito ang sumusunod na katumbas ng bawat baraha.

  • Alas = 1 puntos.
  • 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, at 9 = kung anong halaga ng numerong nakalagay.
  • J, Q, at K = 10 puntos.

Alinsunod din na ang maaaring tumawag lang ng fight ay ang manlalarong nakapaglapag na ng bahay. Kapag walang mailagay ng bahay matapos ang oras na nakalaan at nagtawag ng fight ang katunggali, awtomatik ang iyong pagkatalo. Sa kabilang banda, kapag may nakababang baraha at nagtawag ng fight ang katunggali, may dalawang opsyon na maaaring gawin. Una, labanan ang barahang hawak ng kalaban o kaya naman ay magtawag ng draw. Ang pangalawang opsyon ay ang akto ng pagsuko kung ramdam mong mas mataas ang iyong tsansang matalo.

Sa kabila nito, may isang senaryo na kung saan hindi ka matatalo kahit na walang nakalapag na baraha. Ito ay kung sakali na ang lahat ng card na hawak ay kabilang sa kombinasyon. Kumbaga ang kabuuang halaga ng iyong baraha ay 0. Oras na nagtawag ng fight ang katunggali at ganito ang iyong baraha, awtomatik na tongits ka na. Makukuha mo na ang itinaya nilang gold coins at may karagdagan pang bonus.

Hindi basta-basta pwedeng tumawag ng fight sa Tongits Wars. May dalawang senaryo upang mapiligan ang pagtawag ng flight. Ito ay kung nasapawan ka ng iyong kalaban. Ang isa naman ay kung sumapaw ka sa sariling bahay na nakalapag. Magagamit itong estratehiya para unahan ang kalaban na sa tingin mo ay malapit ng manalo. Mababawasan na ang halaga ng iyong baraha, malilimitahan pa ang kilos ng kalaban.

Dagdag pa sa nabanggit, makukuha lang ang tumataginting na jackpot prize kapag nanalo ka ng dalawang magkasunod na round. Malaki-laki ito lalo na’t kung naipon ito ng napakatagal mula sa nagdaang mga round sa Tongits War. Literal na isinabuhay ang pakikpaglaban dahil madugo talaga ang nagaganap na labanan kada round. Kailangan mabilis mag-isip ng susunod na hakbang dahil limitado ang oras ng pagtira. Mahalaga ding maging mapagmasid upang magkaroon ng ideya kung aling mga baraha ang hawak ng kalaban. Dahil karaniwan sa tongits ang magtago ng kombinasyon, makakatulong kung maging mapagmatyag sa bawat galaw ng mga katunggali.

Show more

Rafael Cruz

    LEGAL NA IMPORMASYON

    PARAAN NG PAGBABAYAD

    Copyright 2024© LaroPay

    DMCA.com Protection Status