What are Tongits? The Most Effective Guide to Playing Tongits

Hindi maikakailang Tongits ang isa sa pinakasikat na card game sa Pilipinas. Maaari itong laruin ng dalawa hanggang apat na manlalaro. Marami ang nahuhumaling sa larong ito dahil ito ay kumbinasyon ng diskarte, kasanayan, at swerte. Dahil dito, hindi na rin nakapagtataka kung bakit itinuturing itong isang nakakaengganyo at kasiya-siyang libangan ng karamihan–anuman ang edad. Huwag mag-alala kung baguhan ka pa sa paglalaro ng nito. Narito ang LaroPay upang bigyang lalim ang kaalaman sa Tongits. Saklaw rito ang pundasyong kakailanganin bago magsimulang maglaro. Nailahad din ang ibang diskarteng pwedeng gamitin upang mapataas ang tsansang manalo.

Tungkol kay Tongits:

About Tongits

Mga dapat malaman ukol sa Tongits

Tipikal na nilalaro ang Tongits gamit ang karaniwang 52-card deck. Ito ay ang mga sumusunod: Ace, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, Jack, Queen, at King. Ang pangunahing layunin ng larong ito ay bumuo ng iba’t ibang “bahay” o melds hanggang sa tuluyang maubos ang baraha. Bukod pa rito, maaari ding sumapaw sa bahay na binuo ng iyong katunggali.

Hal. 1 2♦-2♣-2♥ [meld na nabuo ng kalaban] – 2♠ [card na pwedeng isapaw]

Hal. 2 6♣-7♣-8♣-9♣ [meld na nabuo ng kalaban] – 5♣ o 10♣ [cards na pwedeng isapaw]

Kung hindi man maubos nang tuluyan ang mga baraha, tatanghaling panalo ang kung sino mang may pinakamababang katumbas na puntos.

Ang games Tongits ay mayroong pagkakaiba bawat rehiyon. Saklaw na rito ang ilang mga panuntunan na pwedeng mag-iba ayon sa mga lokal na kagustuhan at kaugalian. Halimbawa na lamang, may bersyon ang Tongits na kung saan kasama ang joker card sa paglalaro. Ginagamit ito bilang wild card na posibleng kumumpleto sa mga meld na bubuuin.

How to play Tongits:

How to play Tongits

Tukuyin ang detalyado at pinadaling paglalaro ng Tongits

Sa bahaging ito tutukuyin ang pinadaling Tongits how to play na madaling sundan at gayahin. Bago magsimula sa laro, ibabalasa ng dealer o bangka ang baraha. Sunod naman ay isa-isa nitong ipapamabahagi sa mga kalaro. 12 na baraha sa bawat manlalaro at 13 cards naman para sa dealer. Mapupunta sa central stacks ng mga natirang baraha. Ito ang deck na kung saan posibleng kumuha ang mga manlalaro ng dagdag na card bawat round.

Iba-iba ang posibleng move na maaaring gawin kada round sa online Tongits. Mahalagang tandaan na kailangan may gawing tira sa bawat round. Tipikal ding may time limit na nakalaan bawat round kaya dapat maging mabilis sa pagbuo ng estratehiya. Nagsisimula ito sa akto ng pagdagdag ng hawak na baraha. Mayroong dalawang paraan upang mangyari ito. Una,  mula sa deck at ikalawa, galing sa mga itinapong baraha ng kalarong iyong sinundan. Posible lang ang pangalawang paraan kung may mabubuo kang bahay na iyong ilalapag.

Hal. 1 9♥ [itinapon na baraha] – 9♠9-♦-9♥ [posibleng kombinasyon]

Hal. 2 9♥ [itinapon na baraha] – 6♥-7♥-8♥-9♥ [isa pang posibleng kombinasyon]

Upang mas lalong mabawasan ang cards na hawak, pwedeng sumapaw sa mga nabuong bahay ng iyong mga katunggali. Maaaring magdagdag ng card alinman sa mga nakalatag na bahay. Ang kagandahan pa rito, hindi lang isang beses pwedeng sumapaw. Alinsunod sa Tongits rules na sa bawat proseso ng pagdagdag ay kinakailangan ding magbawas ng barahang hawak. Mahalagang malaman na kailangang magtapon ng isang baraha kada round. Mula rito, ito ay maaaring kunin ng kalarong susunod sa iyo.

Read now: Instructions for playing Tongits real money

Tongits’ Rules of the Game

Tongits’ Rules of the Game

Mga alituntunin sa paglalaro ng Tongits

May tatlong bahay o melds na maaaring buuin sa paglalaro ng Tongits casino:

1. Three-of-a-kind: Halaw sa pangalan nito, ito ay binubuo ng tatlong magkakaparehong halaga na may magkakaibang suit. Ito ay itinuturing na pinakasimpleng uri ng kombinasyon.

Hal. 1 5♠-5♦-5♥

Hal. 2 A♦-A♣-A♥

2. Four-of-a-kind: Mula sa naunang uri ng meld na nabanggit, ang four-of-a-kind naman ang kumpleto nitong bersyon. Samakatuwid, apat na magkakaparehong halaga na may magkakaibang suit. Gamitin natin ang mga halimbawa sa itaas.

Hal. 1 5♠-5♦-5♥-5♣

Hal. 2 A♦-A♣-A♥-A♠

3. Straight Flush: Kabaliktaran naman ang kumbinasyong ito sa mga naunang naitala. Kung ang three-of-a-kind at four-of-a-kind ay base sa value ng card, ang straight flush naman ay nakapokus sa suit ng baraha. Sa madaling sabi, ito ay alinmang kumbinasyon ng tatlo o higit pang magkakasunod na value na kabilang sa iisang suit.

Hal. 1 8♠-9♠-10♠

Hal. 2 2♣-3♣-4♣-5♣

Hal. 3 9♠-10♠-J♠-Q♠-K♠

Isa sa teknik na ginagamit sa Tongits tutorial ay ang pagtukoy kung ibababa o itatago ang nabuong bahay. Mahalagang magbaba ng isang bahay para hindi “masunog” at automatic na matalo oras na magtawag ng draw ang kalaban. Nangyayari ito kapag kampante ang manlalaro na mababa ang katumbas na puntos ng hawak nitong baraha. Mula rito, pwedeng magdeklara ng “laban” kung tiwala kang mas mababa iyong puntos. O kaya naman ay sumuko at mag-fold kung malaki-laki pa ang barahang hawak. Mas malaki ang talong matatanggap kapag nagsabi ng challenge ngunit mas mataas ang puntos ng iyong baraha.

Tandaan kapag naglalaro ng larong Tongits:

Note when playing the game Tongits

Mga dapat tandaan sa paglalaro ng Tongits

Madali lamang tandaan ang katumbas na pagmamarka sa Tongits. Ang alas ay may katumbas na isang puntos. Kung ano ang value na nakalagay sa 2 hanggang 9 na baraha ay siya ring katumbas na puntos nito. Sa kabilang banda, ang may pinakamalaking puntos na katumbas ay mga face cards. Nagkakahalaga ito ng 10 puntos. Kaya kung mapapansin habang naglalaro, tipikal na unang tinatapon ang face cards lalo na’t kung hindi naman ito magagamit sa pagbuo ng meld.

Maraming pagkakaiba ang Tongits real batay sa lokal na iyong kinapapabilangan. Ang ilan sa mga panuntunan ay pwedeng mabago depende sa kagustuhan ng mga manlalaro. Mahalaga na bago magsimula sa paglalaro ng Tongits, masiguro ang rules na gagamitin. Nang sa gayon, matiyak ang isang kasiya-siyang at patas na karanasan para sa lahat.

Ang pinaka-kagalang-galang na pera sa paglalaro ng Tongits app?

The most reputable money playing Tongits app?

Tukuyin kung ano-ano ang mga katiwa-tiwalang Tongits app sa merkado

Dumako naman tayo kung ano nga ba ang pinakamagandang Tongits app. Ang LaroPay ay isa sa pinakatanyag na digital portal na nagdala ng mga classic na laro sa mundo ng online. Gamit lamang ang iyong mobile phone, maaari nang makipaglaro saang dako man ng mundo. Ito ay isang multiplayer card game na talaga nga namang kinagigiliwan ng lahat. Maituturing itong one-stop shop dahil makikita rito ang iba’t ibang Tongits real app na pwede mong pagpilian.

Tongits 777 Casino

Kinagigiliwan ng mga manlalaro ang VIP Farm points na feature ng laro. Gawin lang ang tipikal na ginagawa sa app. Siguraduhin lang na mag-login araw-araw at laruin ang mga paborito mong laro. Sa pamamagitan nito, malilikom ang VIP Farm points na siyang magagamit bilang pang-redeem ng libreng chip code.

Big Win Club

Isa ang Big Win Club sa pinakakilala pagdating sa online betting games. Matatagpuan ito sa iba’t ibang platform gaya ng website, App Store, at Google Play. Unlimited ang potensyal na pwedeng kitain sa pamamagitan lamang ng paglalaro. Gayunpaman, ang isa sa dahilan kung bakit nga ba patuloy pa ring nagtitiwala ang mga manlalaro sa Big Win Club ay dahil sa integridad ng laro. May mga transaksyon gamit ang Tongits online Gcash at kailanman hindi naging isyu ang bilis ng pagproseso. Panatag dahil may angkop itong seguridad dahil encrypted ang lahat ng proseso bago ipadala sa server. Kaya masasabing mabilis at maaasahang matatanggap ng malinis ang lahat ng napanalunan.

Bit777 – Tongits Pusoy Global

Inilikha ang Bit777 upang magbigay kasiyahan sa lahat ng Pinoy–saan mang parte ng mundo. Samakatuwid, mas ginawang accessible ang kabuuang sistema ng pagbayad. May option na gamitin ang Gcash, Paymaya, o kaya naman ang USDT para sa lahat ng uri ng transaksyon. Mainam ito para sa mga Pilipinong nakatira abroad. Gamit ang app na ito, binibigyang tsansa nito ang mga manlalaro na balikang muli ang mga kinagiliwang laro na minsan nilang nalaro sa Pilipinas.

Big Win 777

Hindi lamang ito basta-bastang gaming application. Alinsunod ang Big Win 777 sa lahat ng batas at regulasyon na patungkol sa online na pagsusugal sa Pilipinas. Matatagpuan dito ang makukulay at swabeng graphics. User-friendly din ang interface na ginamit na talaga nga namang nagbibigay ng isang masayang karanasan para sa mga manlalaro. Bukod sa Tongits, tampok din dito ang iba’t ibang koleksyon ng mga laro sa casino.

Apo Casino

Ang Apo Casino ay isang uri ng Tongits app earn money na kung saan maaaring i-withdraw ang mga napanalunan. Nagbibigay rin ito ng oportunidad para sa mga manlalaro na ma-access ang mga paborito nilang laro anumang oras. Hindi na kinakailangang lumabas pa ng tahanan para lamang makapag-enjoy. Maging ang proseso ng pag-cash in at cash out ay online na rin. Kapaki-pakibanang ito lalo na’t patuloy ng umuusbong ang online world. Gamit ang pinakabagong teknolohiya, panatag ang loob ng users sa anumang transaksyon na nagaganap.

Mega Win

Bukod sa Tongits, naglalaman din ito ng humigit kumulang na 30 pang mga machine. Tampok rito ang pagbibigay disenyo at kakaibang identidad sa bubuuing mga karakter. Subukin ang iyong talas sa Tongits gamit ang multiplayer mode! Gamit ang mode na ito, maaari kang makipagtagisan sa iba pang mga manlalaro. Pausbungin ang iyong karanasan sa paglalaro nang sa gayon ay masanay sa kabuuang gameplay ng laro. Mula rito, malalaman mo na kung ano-ano nga ba ang estratehiyang epektibo sa iyo.

Tongits Casino Online

Sa Tongits Casino Online, tunay ngang nakakaengganyo ang paglalaro dito. Dahil hindi lamang sa mataas na kalidad na biswal, nagtatampok din ang ito ng malinaw na background music. Nagbibigay karagdagan ito sa aktwal na karanasan habang naglalaro. Mas pinadali pa ang proseso ng pagbayad dahil maaaring mag-cash in gamit ang LaroPay. Bukod pa rito, galante rin ito sa mga promosyon na magagamit sa pagpapalago ng iyong panalo. Angkop ito para sa mga naghahanap ng mapagkakaabalahan. Sa pamamagitan ng impormasyon sa itaas, kung gusto mong lumahok sa paglalaro ng Tongits Casino Online, i-download ito ngayon!

Bakit mo dapat laruin ang Tongits sa mga app na ito?

Why should you play Tongits on these apps?

Tukuyin ang mga bentahe ng paglalaro ng Tongits sa mga app na ito

Layunin ng LaroPay na maghatid ng isang dekalidad at panatag na serbisyo para sa mga manlalaro. Tungkulin nitong magsilbing tulay sa mga manlalaro saan mang parte ng mundo. Mula sa libu-libong nitong online users, masasabing subok at mapagkakatiwalaan ito, partikular na sa paglalaro ng Tongits.

Iba’t ibang paraan ng pagbabayad

Inklusibo ang paglalaro ng Tongits dahil sa pantay nitong kapaligiran. Hindi lamang sa mga lokal na online paying apps maaaring magbayad. Kabilang din dito ang pagbabayad ng USDT. Mas pinadali ang pagbabayad dahil ginawa itong mas flexible at maaasahan. Nasaang parte ka man ng mundo, pwedeng-pwedeng maglaro ng Tongits. Masasabing hindi lang sa mga Pilipinong nakatira sa Pilipinas nakatuon ang atensyon ng LaroPay kundi maging sa mga kababayan nating nasa ibang bansa. Isa itong porma upang muling makasama ang mga pamilya at kaibigan. Naghihikayat ito ng isang matibay na uri ng kooperasyon, malusog na komunikasyon, at matiwasay na kompetisyon.

Mabilis na pag-withdraw

Deretso at wala ng pasikot-sikot pa para lamang makapag-withdraw ng Tongits cash. Pinasimple ang pagkuha ng iyong napanalunan. Sa loob lamang ng dalawang minuto, mapoproseso na ang iyong transaksyon. Hindi na kinakailangan pang mag-upgrade sa VIP para makapag-cash out. Bukod pa sa mga nabanggit, walang limitasyon sa halagang nais i-withdraw kada araw!

Mahigpit na seguridad ng impormasyon

Isa ang seguridad ng identidad ng mga manlalaro sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng online gaming apps. Sa apps na tampok sa LaroPay, tiyak na ligtas ang anumang impormasyon na iyong ilalagay. Encrypted ang lahat ng data na tinatanggap at transaksyon dahil sa paggamit nito ng pinakabagong teknolohiya. Batay na rin sa review mula sa ibang online users, masasabi ngang maaasahan at mataas ang reputasyon nito. .

Masigasig na pag-aalaga sa mga customer

Mabilis ang aksyon sa anumang isyung kakaharapin sa paglalaro ng isang user. 24/7 ang suportang matatanggap, alinsunod sa dedikasyon nitong makapagbigay ng mabilis na karanasan para sa mga manlalaro. Hindi rin mahirap hagilapin ang customer service representatives. Tunay na mararamdaman ang malasakit dahil hindi hihinto ang mga ito hangga’t hindi nareresolbahan ang isyu.

Magandang interface

Nagtatampok ang mga app sa digital portal ito ng matitingkad at kaaya-ayang graphics na madaling maunawaan at gamitin. Makikitang makulay at malikhain ang mga ito kaya naman magdudulot ng isang kasiya-siyang karanasan sa paglalaro. Madali ring maintindihan ang buttons na ginagamit. Swabe ang pag-navigate sa mga online gaming app na ito.

I-download ang app nang libre

Pinadali na nga ang pag-withdraw, ito pa ay Tongits free game! Hindi na kinakailangan maglabas ng aktwal na pera para lamang makapagsimula. Maaaring laruin ang 14 na mga laro, kabilang na ang mga PvP card games, betting games, at slots nang libre! Ang tanging oras lamang na maglalabas ka ng pera ay kung nais mong mag-cash in para lumago ang iyong taya.

Libreng chip code araw-araw

Nagpapaulan din ang ang apps na ito ng libreng chip code araw-araw! Kung alangin pang mag-cash in, mainam kung gagamitin ang mga ito para tantsahin ang kabuuang takbo ng paglalaro ng Tongits. Tiyaking bilisan sa pag-redeem dahil may mga pagkakataong limitado ito at tanging ang mga nauna lamang ang makakatanggap ng bonus.

See more: Top 5 applications to play Tongits to GCash Online for real money

Konklusyon

Sa kabuuan, ang Tongits ay isang card game na tinatangkilik ng karamihan. Kinakailangan ito ng madiskarteng pagpaplano, pag-iisip, at mabilis na paggawa ng desisyon. Maganda itong paraan upang mapanatiling matalas at mahusay ang pag-iisip. Bagamat sa umpisa ay malito sa mga alituntunin ng laro, mahalagang magsanay lang nang magsanay. Palawakin ang karanasan nang sa gayon ay malaman ang iba’t ibang diskarteng magiging epektibo para sa iyo. Kung interesado kang subukan ang Tongits, i-download na ang mga online gaming platform kung saan maaaring kang maglaro at matuto!

Andres Torres

    LEGAL NA IMPORMASYON

    PARAAN NG PAGBABAYAD

    Copyright 2024© LaroPay

    DMCA.com Protection Status