How to play Tongits: Instructions on basic rules and strategies

Sa bahaging ito ng artikulo, ibabahagi ng LaroPay ang komprehensibong how to play Tongits. Isisiwalat dito ang mga dapat malaman sa paglalaro ng Tongits. Kasama na rito ang mga teknik, estratehiya, at tips na makakatulong mapataas ang tsansang manalo. Ipapaliwanag dito kung paano nga ba magkalkula ng puntos na mahalagang bahagi ng paglalaro ng Tongits. Wala mang diskarte na magsisigurado ng panalo, ngunit ilalahad dito ang mga tip na talaga namang nakatulong sa ibang mga manlalaro. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Siguraduhing basahin hanggang dulo ng artikulo. Baguhan man o hindi, mainam na mapalawak ang iyong kaalamanan ukol dito.

Pagpapakilala sa Tongits

Introducing Tongits
Pagpapakilala sa Tongits

Hindi maikakailang ang Tongits ang pinakasikat na larong baraha sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa larong ito. Halos lahat ng okasyon o salo-salo sa bansa ay kasama na ang paglalaro ng Tongits. Kung tutuusin, simple lang naman ang pangunahing layunin ng laro: ang makauna kung sino ang makaubos ng baraha. May mga bahay o “melds” na binubuo, may pagbunot sa deck, pagtapon ng baraha, at iba pa. Maraming mga aksyon ang ginagawa sa Tongits na magpapagana na iyong utak.

Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit marami ang nahuhumaling dito. Kailangan ng masusing pag-iisip at pagbuo ng taktika nang malamangan ang kalaban. Bagaman may mga bagay pa ring hindi makokontrol gaya ng barahang nakukuha. Ito ang mga bagay na nagpapadagdag sa kasiyahang nadudulot ng Tongits. Ang lahat ng ito ay malalaman oras na matutunan mo ang how to play Tongits.

Introduction to how to play Tongits

Introduction to how to play Tongits
Pahapyaw ng impormasyong sa Tongits

Sa umpisang bahagi ng how to play Tongits, ibinabalasa ng bangkero ang baraha bago ipamigay sa mga manlalaro. Matapos nito, isa-isang pinapamahagi ang baraha paikot sa kanan. 12 na baraha ang ipapamigay kada manlalaro samantalang 13 naman sa bangkero. Ang natitirang baraha ay mapupunta sa deck. Ito na ngayon ang magsisilbing central stack na kung saan kukuha ang mga manlalaro ng pandagdag na baraha

Kung iisiping mabuti, simple lang naman ang konsepto ng Tongits. Kailangan magdagdag at magbawas ng baraha kada tira. Ito ang pundasyon ng Tongits how to play. May dalawang paraan upang madagdagan ang iyong baraha. (1) mula sa central stack; at (2) kunin ang barahang itinapon ng iyong kasunod na manlalaro. Sa kabilang banda, ang proseso naman ng pagbabawas ng baraha ay nahahati naman sa tatlo. (1) pagbuo ng bahay; (2) pagsapaw sa kalaban; at (3) pagtapon ng baraha.

Ang kaibahan ng dalawa ay isang proseso lang ang pwedeng gawin sa pagdagdag ng baraha. Sa madaling salita, kung ikaw ay kumuha na sa central stack, hindi na maaaring kunin pa ang itinapon na baraha ng kalaban. Ngunit, maaaring gawin ang tatlong proseso ng pagbabawas ng baraha. Ang hindi lamang dapat makalimutan ay dapat magtapon lagi ng isang baraha sa bawat ikot ng round.

Read now: Instructions for playing Tongits real money

Mga tuntunin ng larong Tongits

Tongits game rules
Paliwanag ukol kung paano laruin ang larong Tongits

Ang paglalaro ng how to play Tongits Philippines ay umiikot kung kailan matutukoy sa pagbuo ng meld o kaya naman ay sumapaw sa kalaban. Gayunpaman, iisang tuntunin lang ang ginagamit ng mga ito. Narito ang tatlong bahay na maaaring buuin sa paglalaro ng Tongits.

1. Three-of-a-kind: Base sa pangalan ng meld, ito ay binubuo ng tatlong magkakaparehong halaga na may magkakaibang suit. Ito ang sinasabing pinakasimpleng uri ng kombinasyon.

Hal. 1 8♠-8♦-8♥

Hal. 2 Q♦-Q♣-Q♥

2. Four-of-a-kind: Mula sa naunang kombinasyong nabanggit, ito naman ang kumpletong bersyon niyo. Sa madaling salita, ito ang apat ng magkakaparehong halaga na may magkakaibang suit. Gamitin nating muli ang naunang halimbawa sa itaas.

Hal. 1 8♠-8♦-8♥-8♣ = dagdag na 8♣

Hal. 2 Q♦-Q♣-Q♥-Q♠ = dagdag na Q♠

3. Straight Flush: Kabaliktaran ng naunang dalawang kombinasyon naitala, ang straight flush ay nakapokus sa suit ng baraha. Ito ay alinmang kombinasyon ng tatlo o higit pang magkakasunod na halaga ng baraha na kabilang sa iisang suit.

Hal. 1 6♣-7♣-8♣

Hal. 2 10♠-J♠-Q♠-K♠

Hal. 3 A♠-2♠-3♠-4♠-5♠

Parte rin ng how to play Tongits ang pagsapaw. Ang prosesong ito ang isa sa paraan kung paano mabawasan ang hawak ng baraha. Tuwing sasapaw, magdadagdag ka ng baraha alinman sa bahay ng iyong kalaban o sa sariling buong meld. Tingnan ang halimbawa sa baba:

Hal. 1 5♦-5♥-5♣ [nabuong meld] = 5♠ [card na pwedeng idagdag]

Hal. 2 3♣-4♣-5♣ [nabuong meld] = 2♣ o 6♣ [mga barahang pwedeng idagdagdag]

Layunin ng laro

Objective of the game
Mahahalagang impormasyon sa paglalaro ng Tongits

Ang layunin ng Tongits play game ay magkaroon ng pinakamababang halaga ng mga baraha. Sa tuwing nakakabuo ng kombinasyon, nababawas ang halaga nito sa iyong kabuuang puntos. “Tongits” naman kung tawagin kung mauubos nang tuluyan ang hawak na baraha. Dahil nga ang how to play Tongits ay umiikot sa pagbawas at pagdagdag ng hawak na baraha, hindi ito magiging ganoon kadali. Bagaman ito na rin ang rason kung bakit maraming mga manlalaro ang patuloy na nahuhumaling dito.

Bilang ng manlalaro

Binubuo ang Tongits ng tatlong manlalaro. Parte ng Tongits how to play ang pagkakaroon ng 12 na baraha sa dalawang manlalaro. Samantalang ang bangkero naman ay mayroong 12 baraha. Ito ang tipikal na hatian ng mga baraha sa pagitan ng mga manlalaro. Tipikal na tumatagal ang isang round ng lima hanggang sampung minuto. Sa kabila nito, may mga kaso na kung saan mabilis na natatapos ang laro dahil naghahamon ng “fight” ang isang manlalaro kung kampante ito na mas mababa ang hawak na baraha kumpara sa kanyang mga katunggali.

Paglalaro ng Tongits card deck

Ang bangkero ay ipapamahagi ang baraha ng pakanan. Mayroong 12 na baraha sa kanyang mga katunggali. Samantalang ang dealer ay makakakuha ng 13 na baraha. Ang natitirang mga baraha ang siyang masisilbing central stack ng laro. Ito na ang card deck na gagamitin sa buong round. Dito kailangan kumuha ng isang baraha ang mga manlalaro kung hindi nila kukunin ang itinapong baraha ng kalaban. Ito ang isang bahagi ng Tongits how to play.

Dagdag pa rito, nabanggit din na ang dealer ay makakakuha ng 13 baraha. Sa unang tira ng bangkero, hindi na niya kailangan pang kumuha ng baraha sa card deck. Ang kailangan nitong gawin ay magtapon ng isang baraha.

Paano i-deal ang mga baraha

Ang bangkero ang siyang responsable sa paglabasa ng mga baraha sa umpisang bahagi ng round. Ito na rin ang nakagawian sa tradisyunal na bersyon nito. Ipapahati pa ng dealer sa dalawa ang baraha sa kanyang kalaro bago tuluyang ibalasa muli. Matapos nito, ito na ang proseso kung saan ipapamahagi ng bangkero ang baraha sa pagitan niya at ng kanyang mga katunggali. Laging gagawin ito bago magsimula ng panibagong round.

Paano ayusin ang mga baraha

Maraming iba’t ibang estratehiya ang ginagamit ng mga manlalaro. Subalit ang pinakaepektibong paraan sa how to play tong its ay ayusin muna ang mga baraha base sa halaga nito. Unahin ang mga barahang may mukha. Binubuo ito ng King, Queen, at Jack. Sunod ang mga numero mula sa pinakamataas na numero pababa. Sa madaling salita, mula 10 hanggang A. Kapag naayos na ito sa ganitong pamamaraan, madali ng matutukoy kung igugrupo ba ang mga baraha base sa kanilang numerical value o kung base sa suit.

Paano magkalkula ng mga puntos

Isa sa pinakamahalagang matutunan sa paglalaro ng Tongits ay ang paraan kung paano makalkula ang puntos ng mga baraha. Ibabahagi sa bahaging ito kung paano. Kung tutuusin, simple lang naman talagang makuha ito. Ang face cards o ang mga barahang may mukha na binubuo ng King, Queen, at Jack ay may katumbas na 10 puntos.

Hal. 1 Q♥ = 10 puntos

Hal. 2 K♠ – J♣ = 20 puntos

Sa kabilang banda, katumbas ng mga baraha ang kanilang numerical value. Madali itong matatandaan dahil kung ano ang numerong nakalagay sa baraha ang siyang katumbas nitong puntos.

Hal. 1 3♠ = 3 puntos

Hal. 2 5♥ – 3♦ = 8 puntos

Hal. 3 7♣ – 2♥ – 8♣ = 17 puntos

Ang Alas naman ang may pinakamababang halaga sa Tongits. Isang puntos lang ang katumbas nito. Kaya itinuturing na swerte kapag may alas na hawak dahil mababa lang ang halaga nito.

Hal. 1 A♥ = 1 puntos

Hal. 2 3♠ – A♣ = 4 puntos

Hal. 3 K♣ – 2♥ – A♥ = 13 puntos

Base sa Tongits how to play, tatanghaling panalo ang manlalarong may pinakamababang puntos ng baraha. Kaya kung ang hawak na baraha ay binubuo ng mga face cards, malamang ay mataas ang magiging kabuuang resulta. Gayundin, kung nagkataon at napunta sa iyo ang mga alas, mapapababa nito ang halaga ng iyong mga baraha.

See more: Tongits rules: Important rules to master

Mga estratehiya sa paglalaro ng Tongits

Tongits playing strategies
Epektibong mga estratehiya upang manalo sa Tongits

Sa paglalaro ng Tongits, walang tinatawag na one-size-fits-all na estratehiya. Maaaring kung anong gumana sa iyong kalaban ay maaaring hindi gumana para sa iyo. Nakadepende ito sa pagkakataon at kung akma ba itong gamitin o hindi. Narito ang ilan sa mga estratehiyang maaari mong subukan.

Pumili ng magagandang mga artikulo

Mahalagang langkapan ang sarili ng mga artikulo patungkol sa how to play Tongits online. Isa itong epektibong pamamaraan upang makahanap ng mga impormasyong magagamit sa paglalaro. Isa sa mga website na naglalaman ng mga artikulong nakakatulong sa mga manlalaro ay ang LaroPay.

Bukod sa mga online na larong tampok nito, makikita rin sa website ang mga artikulo patungkol sa instruksyon, rebyu, at tips sa paglalaro. Lahat ng ninanais na malaman ukol sa mundo ng online playing ay mahahanap dito. Hindi lang sa usaping ng Tongits, maging iba laro din gaya ng Baccarat, Pusoy, Color Game, at marami pang iba. Nagbibigay rin ito ng mga tips na tiyak na makatutulong na magpapataas sa tsansang manalo. Maging ang mga laro kung sapat ba ang hype na natatamo nito, ay kinikilatis din ng LaroPay.

Pumusta ng makatwirang taya

Kagaya ng iba pang mga sugal, parte na ng Tongits how to play ang pagiging maingat pagdating sa pagtaya. Marami ang nalululong sa sugal dahil hindi nila kayang limitahan ang mga sarili pagdating dito. Oras na magtakda ka ng halagang itataya, sundin ito at huwag nang humirit pa. Lalo na kapag sunod-sunod ang panalo, nasa rurok ka ngayong ng iyong emosyon at nakakaapekto ito sa iyong kakayahang gumawa ng nararapat na desisyon.

Kung mahirap kalabanin ang sarili tuwing winning streak, mas mapaghamon tuwing lagapak ang taya. Huwag na huwag magpapadala sa dalos ng emosyon. Mas madaling mahamig ang mga manlalarong nasa ganitong bulnerableng kalagayan. Lalo na pagdating sa paglalaro ng Tongits, madaling maloko na mababawi ang natalong pusta.

Bluff

HIndi sa lahat ng pagkakataon ay dapat ilabas ang iyong mga nabuong baraha. Maaaring magbaba lamang ng isang bahay at itago na ang mga nabuong bahay. Makatutulong ito lalo na kapag ang nabuong bahay ay straight flush. Oras na ibaba ito, madali itong sapawan ng mga kalaro. Malilimitahan nito ang iyong kakayahan na tumawag ng fight.

Lokohin ang iyong mga kalaban

Similar sa naunang nabanggit na estratehiya, mainam kung lowkey lang ang pagkilos sa Tongits. Parte ng how to play Tongits Philippines ang pagiging konserbatibo pagdating sa pagbaba ng bahay. Taguan talaga ang isang teknik na ginagamit ng mga Pinoy. Magandang pamamaraan din ito upang hindi nakalatag kung ano-anong mga baraha na ang nasa meld o wala pa.

Konklusyon

Kung susumahin, hindi na nakapagtataka kung bakit Tongits ang pinakasikat na larong baraha sa bansa. Ginagamitan ng talas ng pag-iisip ang mga diskarte upang malamangan ang iyong mga katunggali. Maganda rin itong pamamaraan upang mahasa ang iyong kritikal na pag-iisip. Kaya simulan nang basahin ang mga artikulo sa LaroPay nang sa gayon ay makabasa ng iba pang mga tips gaya ng how to play Tongits.

Show more

Andres Torres

    LEGAL NA IMPORMASYON

    PARAAN NG PAGBABAYAD

    Copyright 2024© LaroPay

    DMCA.com Protection Status