Tongits Club – The most prestigious casino game app in 2023

POSTED ON October 19, 2023 BY

Inilabas ang Tongits Club sa taong 2020, noong kakasimula pa lang ng pandemya. Dahil ang Tongits ay malapit sa puso ng mga Pilipino, mas nakatulong ito noong panahon na ito. Sapagkat napanatili na nalilibang ang mga tao sa kani-kanilang tahanan sa pamamagitan ng online apps ng laro. Kahit wala kang aktwal na baraha, hindi ito magiging hadlang sa iyong paglalaro. Salamat sa pag-usbong ng teknolohiya dahil nagkaroon ng online na bersyon ang mga tradisyunal na laro sa bansa. Ang pagbabago na ito ay nagbigay daan upang makapaglaro ka ng Tongits kahit nasaan ka man. Gayundin, may kakayahan ka nang makipaglaro sa iba kahit na nasa magkaibang lugar kayo.

Tungkol sa Tongits Club

 About Tongits Club

Pagpapakilala sa larong Tongits Club

Ikinokonsidera na pinakaprestihiyosong casino game app ngayong taon ang Tongits Club. Magarbo ang pagbibigay ng ganitong pamagat. Kaya malamang ay sumagi na rin sa iyong kaisipan kung ano mga katangian nito para mabigyan ng rekognisyon. Kaya naman narito ang LaroPay upang talakayin nang detalyado ang mga natatanging katangian na mayroon ang Tongits Club online.

Ang Tongits Club ay naglalaman ng koleksyon ng mga larong baraha. Ito ay perpekto sa mga Pilipino sapagkat malalaro na nila ang mga paborito nila sa kanilang mobile phones. Mas naging kombenyente na ang paglalaro sapagkat hindi na ito nangailangang magtipon-tipon sa isang lugar upang maglaro. Hanggang sa may akses ka sa internet ay maaari kang magsimula kahit anong oras.

Marami pang nilalaman na surpressa ang app sapagkat hindi lang iisang laro ang mayroon ito. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga manlalaro na mamili kung nais ba nilang maglaro ng Pusoy, Poker, at Sabong. Ang mga nabanggit na laro ay maituturing din na klasikong laro sa kultura ng mga Pilipino. Kadalasan itong makikita kapag may mga espesyal na okasyon o kaya sa mga lugar tulad ng kasino at karnibal. Tatalakayin din sa susunod na bahagi ang detalye tungkol sa bawat laro sa Tongits Club. Kumpleto na sa artikulo na ito ang mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman para makagsimula sa paglalaro. Isinama na rin dito ang instruksyon sa pag-download nito mula sa mga plataporma kung saan matatagpuan ang app.

Alamin ang proseso na pagdadaanan mo kung nais mong maging club owner sa Tongits Club. Mula sa homepage ng laro, pindutin ang “Create/Join New Club” na button. Mula rito, kumpletuhin ang mga kailangang impormasyon sa ilalim ng Create Club. Bigyan ng pangalan ang magiging club mo. Maaari kang maging malikhain sa paggawa ng astig na pangalan.

Bukod pa rito, ilagay ang impormasyon upang makontak at mahanap ka ng mga manlalaro. Makakatanggap ang mga manlalaro ng karagdagang chips kapag kinontak nila ang may-ari ng club. Pwede mong ilagay rito ang iyong mobile number, pangalang ginagamit sa Facebook, o ang link papunta sa iyong Facebook Messenger. Kapag nailagay na ang mga hinihinging mga impormasyon, pindutin ang Create button sa ibaba. Pagkatapos nito, lalabas ang mensahe sa screen na naging matagumpay ang paggawa mo ng club.

Mga Laro sa Tongits Club

Games in Tongits Club

Isa-isahin ang mga larong tampok sa Tongits Club

Narito ang detalye ng mga laro na maaari mong piliin sa Tongits Club.

  • Tong-its: Pinakasikat na larong baraha sa Pilipinas. Binubuo ito ng tatlong manlalaro. Ang tatanghaling panalo ay batay sa dalawang sitwasyon. Una, ito ang manlalaro na pinakaunang naubos ang lahat ng hawak na baraha. Ikalawa, ito ay kapag ang manlalaro ay nakakuha ng pinakamababang kabuuang bilang ng puntos.
  • Pusoy: Maituturing na klasikal na laro sa bansa. Mayroong apat na manlalaro ang naglalaban sa isa’t isa. Binubuo ito ng iba’t ibang kombinasyon na maaaring gamitin bilang estratehiya para manalo. Kabilang dito ang Royal Flush, Four-of-a-Kind, Full House, Straight Flush, at marami pang iba.
  • Poker: Kilala rin sa pangalan na Texas Hold’em. Sa larong ito, lalabanan ng isang manlalaro ang isa pang manlalaro. Mayroong komunidad na baraha ang nakatihaya sa ibabaw ng lamesa. Tantyahin kung ano ang halaga ng mga baraha ng kalaban at isipin kung ano ang nararapat mong itaya rito. Ang manlalarong nakapag-bid ng pinakamaraming chips ang siyang mananalo, maliban kung may ibang handang tapatan ang halaga nito.
  • Sabong: Mahigit tatlong libong taon noong nagsimula itong laruin sa Pilipinas. Ang bawat laro ay binubuo ng labanan ng dalawang tandang na pinangalanan bilang “Meron” o “Wala”. Ang mga manlalarong tumaya sa nanalo na panig ang makakakuha ng premyo.
  • Luck 9: Parating pa lamang sa Tongits Club at inaabangan na ng marami. Sapagkat ito ay may madaling mekaniks na maaaring laruin habang nagrerelaks at naglilibang. Kailangan mong makakuha ng dalawang baraha na may kabuuang bilang na siyam kapag pinagsama.

See more: Top 5 applications to play Tongits to GCash Online for real money

Mga Katangian ng Tongits Club

Features of Tongits Club

Mga dapat asahan sa paglalaro ng Tongits Club

Suriin ang mga katangian ng Tongits Club kung pasado ba ito sa iyong pamantayan ng kalidad na laro. Una sa listahan ay ang mga libreng gintong barya na maaari mong matanggap kada araw. Ang kailangan mo lang gawin ay maglog-in sa laro o sumali sa mga espesyal na aktibidad.

Inaabangan din ng mga manlalaro ang paligsahan na ginaganap sa Tongits Club. Dito ay maipapamalas ang kahusayan ng bawat isa sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa iba pang mga manlalaro sa buong bansa. Maraming premyo ang nag-aabang sa mga mananalo rito. Maganda oportunidad din ito upang makakuha ng brilyante at gintong barya na nagsisilbing pera sa laro.

Imbitahin ang iyong pamilya at kaibigan gamit ang Tongits Club invitation code. Maglaro kasama ang isa’t isa at alamin kung sino ang pinakamagaling sa lahat. Dagdag pa rito, mabilis din ang laro na magproseso ng pagpili ng iyong magiging kalaban. Hindi ka maiinip sapagkat agad-agad ding magsisimula ang labanan at mabilis ka ring makakabwelo upang manalo.

Panghuli sa listahan ang nakakahumaling na mga stiker na maaari mong gamitin sa Tongits Club. Makikita mo ang iba’t ibang malikhaing paggawa ng mga stiker. Mayroon ka ring pagkakataong makipagusap sa ibang manlalaro habang kayo ay naglalaro sa pamamagitan ng chat. Kaya kahit hindi kayo magkasama sa iisang lugar, ramdam na ramdam niyo pa rin ang presenya ng bawat isa.

Mga Plataporma ng Tongits Club

Platforms that Tongits Club

Mga katiwa-tiwalang plataporma kung saan maaaring mahanap ang Tongits Club

Alamin dito ang mga plataporma kung saan mo pwedeng makita ang Tongits Club apps! Basahin ang mahahalang detalye tungkol sa paggamit ng APK at pag-install ng laro sa iOS.

Tongits Club APK

Maaari mong i-download ang laro sa pamamgitan ng Tongits Club APK download. Upang makita ang APK file ng laro, buksan ang browser ng iyong ginagamit na device. I-search ang “Tongits club APK” at piliin ang downloader na may magandang reputasyon at kalidad.

Tongits Club para sa iOS

Ang Tongits Club for ios naman ay gumagamit ng App Store bilang plataporma para mai-download ang laro. Gayunpaman, wala pa ang laro sa App Store sa kasalukuyan. Sa kabilang banda, mahahanap mo ang Tongits Club sa Google Play Store kung ikaw ay Android user.

Paano I-download ang Tongits Club?

How to download Tongits Club?

Detalyadong paraan kung paano i-download ang Tongits Club.

Madali lang ang proseso para sa Tongits Club download. Narito ang dalawang hakbang na dapat mong sundin para mai-download ang app sa iyong mobile device. Mamili kung alin sa mga ito ang naaangkop sa iyo.

Pag-download ng Tongits Club gamit ang APK:

  1. Buksan ang web browser ng iyong ginagamit na device.
  2. Ilagay ang “Tongits Club APK
  3. Pumili ng APK downloader na may magandang reputasyon at kalidad.
  4. Pindutin and Download na button
  5. Hintaying matapos ang proseso ng pag-download.
  6. Pagkatapos nito ma-download ay hanapin ang APK file sa downloaded files ng iyong device at i-install ang app.
  7. Antaying matapos ang proseso ng pag-install at kapag natapos na ito, hanapin ang app sa home screen. Buksan ito at simulan ang paglalaro.

Pag-download ng Tongits Club sa Google Play Store:

  1. Buksan ang Google Play Store.
  2. Ilagay ang pangalan ng laro sa search bar.
  3. Hanapin ito sa listahan at pindutin ang Install na button.
  4. Antaying matapos ang proseso ng pag-download.
  5. Pagkatapos i-download, hanapin ang app sa iyong home screen at buksan ito.
  6. Simulan ang paggawa ng account at paglalaro.

Paano Laruin ang Tongits Club

 How to play Tongits Club

Mga hakbang kung paano laruin ang Tongits Club.

Magkakaroon ng 12 na baraha ang bawat manlalaro sa umpisa, samantalang 13 naman para sa bangkero. Pagkatapos ay ang mga natitirang baraha ay mapupunta sa palabunutan. Kapag naglapag na ng baraha ang bangkero, doon na magsisimula ang laro.

May opsyon na kunin ng susunod na manlalaro ang inilapag na baraha. Iyon ay kung makakabuo na siya ng isang pangkat gamit ito o makakadagdag ito sa pangkat na nasa kanyang kamay. Dapat magkaroon ka ng mga kombinasyon sa baraha at magtapon ng mga walang silbi na baraha. Pagdating sa puntos, ang katumbas ng king, queen, at jack ay sampung puntos. Samantalang ang puntos naman ng mga baraha na may numero ay kapareho ng kanilang numero. Kapag ang baraha ay alas, ito ay katumbas ng isang puntos.

Magpapatuloy ang pag-ikot ng mga tira hanggang sa mayroon nang tongits sa isa sa mga manlalaro. Tinatawag na tongits kapag nagamit na ng manlalaro ang lahat ng hawak niyang baraha para makagawa ng kombinasyon. Gayundin, ito’y kapag nakasapaw sa mga pangkat ng baraha na ibang manlalaro o kapag wala nang natitira sa kanyang baraha.

Dagdag pa rito, isa pang paraan upang manalo ay sa pamamagitan ng pagtatawag ng draw. Ginagawa ito kapag ang isang manlalaro ay mayroong mababa na puntos at walang sumapaw sa kanyang bahay. Sa kabilang banda, kapag mayroong nagtawag ng draw, pwedeng maghamon sa draw ang mga manlalaro. Ngunit kung wala namang manlalaro ang nagbukas ng kanilang baraha, awtomatikong panalo na ang nagtawag ng draw. Kapag natapos na ang laro, magbibilangan ng puntos ang bawat manlalao. Kung sino ang may pinakamababang puntos ang siyang tatanghalin na panalo.

Samantalanga, kapag nagkaroon ng sitwasyon kung saan may tie, ang naghamon ang panalo. Kung nagkaroon naman ng tatlong tie, ang manlalaro sa kanan ng naghamon ang mananalo. Titigil din ang laro kapag naubos na ang baraha sa palabunutan. Kung san awtomatiko nang talo ang manlalaro na walang nakabukas na bahay, samantalang ang may pinakamababang puntos ang panalo. Dagdag pa rito, ang mga manlalarong nasunog ay awtomatiko na talo rin sa laro.

Read now: Instructions for playing Tongits real money

FAQ

Legit ba ang Tongits Club?

Tongits Club legit it?

Pagtalakay sa katanungan kung legit nga ba ang Tongits Club

Sa madaling salita, masasabing Tongits Club legit. May mga salaysay na mula sa aktwal na manlalarong nakakuha na ng kanilang panalo rito. Tunay rin ang mga promosyon at bonus na matatanggap dito. Bukod sa kasiya-siyang dulot ng paglalaro, talaga nga namang paying ang app.

Subalit, sa Tongits Club, kinakailangan ng agent bago iproseso ang lahat ng mga pinansyal na transaksyon. Mas mainam kung may kakayahan ang mga manlalaro na direkta na lang magawa ang pag-cash in at cash-out. Hindi kagaya ng ibang app sa merkado, kinakailangan pa ng third-party sa app na ito. ‘Di hamak na mas magiging panatag ang mga manlalaro kung wala na ito. Mas makiling ang ganitong proseso sa pandaraya. Bagaman mahalaga naman talagang maging mapagmasid sa lahat ng pagkakataon. Mas may puwang lang ang ganitong proseso sa mga masasamang loob.

Paano mag-withdraw sa Tongits Club gamit ang Gcash?

Simple at madali lang ang pag-withdraw ng pera gamit ang Tongits Club Gcash. Dahil halos lahat ay mayroon ng account dito, masasabing accessible ang paraan na ito. Narito ang paraan kung paano mag-cash out:

  1. Tumungo sa iyong Tongits Club app.
  2. Pindutin ang contact club owner. Makikita ito sa itaas na bahagi ng iyong screen.
  3. Mara-route ka palabas ng app tungo sa Facebook messenger. May makakausap na awtorisadong agent.
  4. Sundin ang prosesong isinasaad ng agent. Siya ang primaryang mamamahala ng iyong transaksyon.
  5. Hintaying matanggap ang pera sa iyong Gcash account.

Hindi tulad ng LaroPay’s Big Win Club, Bit777, Big Win 777 games, kailangan pa rin ng ahente dito. Samakatuwid, hindi mapoproseso ang iyong transaksyon nang hindi nakikipag-ugnayan sa ahente. Ang LaroPay ay direktang nag-withdraw ng mga pondo sa Gcash, Paymaya at USDT cryptocurrency. Ang mga opsyon na ibinibigay nito sa mga manlalaro ay mas malawak. Iyon lang, ngayon ay handa ka nang magsimulang maglaro ng Tongits Club!

Konklusyon

Samakatuwid, ang Tongits Club ay naglalaman ng mga klasikong larong barahang kinagisnan ng marami. Kung ikaw ay naghahanap ng mga karaniwan ng laro, mainam itong app na ito para sa iyo. Subalit, kung nais mong mas palawakin at hindi madaling magsawa sa larong ino-offer ng isang app, tumungo sa opisyal na website ng LaroPay. Ang LaroPay ay tanyag sa mga kalidad nitong laro gaya ng Big Win Club. Nagtatampok ito ng 14 na larong tiyak na kagigiliwan mo. Kaya naman kung nais palawakin pa ng Tongits Club ang kanilang manlalaro, nararapat lang na pag-ibayuhin pa ang kabuuang app.

image

RAFAEL CRUZ

Ako si Rafael Cruz, palagi akong gumagawa ng content na nauugnay sa mga tutorial, karanasan sa paglalaro at mga detalyadong review ng mga laro at application sa casino sa iOS, Google Play, APK, mga platform ng Website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *