Tongits rules: Important rules to master

Ibabahagi sa artikulong ito ang mga Tongits rules na kailangan mong malaman bago magsimula sa paglalaro ng Tongits. Kung tutuusin, simple lang naman talaga ang gameplay nito. Maaaring nakakabigla lang para sa mga baguhang manlalaro, ngunit oras na magamay ito, magiging sisiw na lang ang paglalaro. Umiikot ang tuntunin nito sa pagdadag at pagbabawas ng mga baraha. Tatanghaling panalo ang manlalarong may pinakamababang puntos ng baraha. Ang kagandahan dito ay ang Tongits rules tagalog. Sa madaling salita, nasa wikang Tagalog ito upang mas lalong matutunan nang marami. TIyak na maraming impormasyon ang matututunan mula sa LaroPay!

Pagpapakilala sa Tongits

Introducing Tongits
Pahapyaw na impormasyon ukol sa larong Tongits

Maraming mga larong baraha ng sikat sa bansa. Parte na ito ng kultura as Pilipinas. Pagdating ng mga salo-salo o okasyon, may mga makikita kang grupo-grupo para lamang maglaro ng mga baraha. Hindi maitatanggi na ang pinakasikat na larong baraha sa bansa ay ang Tongits. Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa larong ito? Kahit walang espesyal na pagtitipon, may mga naglalaro ng Tongits para mag-bonding. Isa sa rason kung bakit sikat na sikat ang larong ito ay dahil sa Tongits rules  na taglay nito. Masasabing bahagyang komplikado ang tuntuning ng Tongits. Gayunpaman, oras na matutunan ito ay tiyak na sisiw na sa mga manlalaro.

Ang Tongits ay binubuo ng standard 52-card deck. Karaniwan itong inilalaro ng tatlong manlalaro. Kombinasyon ito ng swerte at talas ng manlalarong makapag-isip ng estratehiya. Kaya sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa paglalaro ng Tongits? Ito ang perpektong timpla ng pagiging komplikado ngunit kapanapanabik na paglalaro. Tumungo sa opisyal na website ng LaroPay para sa masimulan na ang paglalaro ng Tongits. Nagtatampok ito ng mga kalidad na larong tiyak na kagigiliwan mo. Online na bersyon nito. Nangangahulugan lamang na online na ang lahat ng transaksyon habang naglalaro nito.

Introduction to Tongits rules

Introduction to Tongits rules
Alamin ang iba’t ibang tuntunin ng Tongits.

Sinasabing bahagyang komplikado ang rules of Tongits lalo na sa mga baguhang manlalaro. Gayunpaman, oras na magamay talaga at maintindihan ang bawat detalye nito, magiging kapanapanabik na ang paglalaro ng Tongits. Sa umpisang bahagi ng laro, alamin muna kung anong tuntunin ang gagamitin sa lalaruing Tongits. Maraming naging baryasyon ang Tongits sa paglipas ng panahon. Nariyan ang butasan, joker, at marami pang iba.

Sa kabila nito, ang pundasyon na ginagamit sa paglalaro ay iisa lamang. Gumagamit ang Tongits ng standard deck. Bago mag-umpisa ng round, binabalasa ng bangkero ang baraha. Ginagawa ito ng random ang pagpapamahagi ng mga baraha at walang bahid ng pagiging bias. Sunod na ibibigay isa-isa ng pakanan ang baraha sa pagitan ng sarili at mga katunggali. Ang mga kalaro ay makakakuha ng tig-12 na baraha, samantalang 13 naman sa dealer. Ang mga natitirang baraha ang siyang mapupunta sa central deck. Karaniwang tumagatal ang laro ng isa hanggang sampung minuto. Maaaring tumagal ito depende sa magiging takbo ng laro.

See more: Top 5 applications to play Tongits to GCash Online for real money

Paano laruin ang Tongits

How to play Tongits
Paraan upang epektibong makapaglaro ng Tongits

Umiikot ang esensya ng Tong its game rules sa akto ng pagdagdag at pagbabawas ng baraha. Kung matatandaan, makakatanggap ka ng 12 na baraha. Ngunit kung ikaw naman ang bangkero ay makakakuha ka ng 13 na baraha. Ang dealer din ang kauna-unang tumitira kada round.

May dalawang paraan upang madagdagan ang iyong baraha.

  1. Mula sa central stack; at
  2. Barahang itinapon ng sinundang manlalaro.

Dahil ang pinakalayunin ng Tongits ay magkaroon ng pinakamababang halaga ng mga barahang hawak, iisa lamang ang maaaring gawin sa dalawa. Halimbawa, kung nais mong kunin ang itinapon na baraha ng iyong katunggali ay hindi ka na pwedeng kumuha ng isa pang baraha sa central stack. Ngunit hindi ganito ang kaso ng game tongits rules pagdating sa pagbabawas ng baraha.

Narito ang mga pamamaraan kung paano mababawasan ang barahang hawak.

  1. Pagsapaw sa bahay ng kalaban;
  2. Pagbuo ng sariling bahay; at
  3. Pagtapon ng isang baraha.

Sa tatlong prosesong nabanggit, tanging ang ikatlong proseso lang ang hindi pwedeng mawala. Nangangahulugan lamang na matapos sumapaw sa kalaban, kailangan pa ring magtapon ng isang baraha. Gayundin kung nagdagdag ng baraha sa ibinababang bahay, kailangan pa ring magtapon ng isang baraha. Sa kaso ng pagbabawas na baraha, base sa Tongits rules ay pwedeng itong lahat. Kumbaga hindi nakukulong sa isang paraan ang malalaro. Kung nais mong sumapaw sa kalaban, magdagdag ng baraha sa ibinuong bahay, at magtapon ng isang baraha ay maaari itong gawin.

Read now: Instructions for playing Tongits real money

Uri ng mga baraha sa Tongits

Types of cards in Tongits
Nakalahad dito ang mga uri ng baraha sa Tongits

Sa bahaging ito, ibabahagi ang iba’t ibang bahay o “meld” na pwedeng buuin sa Tongits. Ito ang isa sa pundasyon ng laro na mahalagang matutunan ng lahat. Nasa Filipino Tongits rules ito upang mas madaling maintindihan ng marami. Ginagamit ito sa pagbuo ng sariling bahay o kaya naman kapag sumapaw sa bahay ng katunggali. Narito ang mga meld na maaaring buuin:

1. Three-of-a-kind: Kung mapapansin, binubuo ito ng tatlong baraha. Magkakapareho ang halaga nito na kabilang sa magkakaibang suit. Itinuturing itong may pinakasimpleng uri ng kombinasyon.

Hal. 1 3♠-3♦-3♥

Hal. 2 K♦-K♣-K♥

2. Four-of-a-kind: Base sa naunang kombinasyong nabanggit, ito naman ang sinasabing kumpletong bersyon nito. Kumbaga sa halip na tatlong magkakaparehong halaga, ito naman ang kumpletong bersyon nito. Gamitin nating muli ang mga naunang halimbawa.

Hal. 1 3♠-3♦-3♥-3♣ = dagdag na 3♣

Hal. 2 K♦-K♣-K♥-K♠ = dagdag na K♠

3. Straight Flush: Taliwas sa mga naunang kombinasyon na nabanggit sa game Tongits rules, ito naman ay base sa suit ng baraha. Ito ay kombinasyon ng tatlo o higit pang magkakasunod na baraha na kabilang sa iisang suit.

Hal. 1 4♣-5♣-6♣

Hal. 2 9♠-10♠-J♠-Q♠

Hal. 3 A♠-2♠-3♠-4♠-5♠

Kaakibat ng kaalaman sa mga meld ay ang pagsapaw sa bahay ng kalaban. Ang prosesong ito ay ang pagdagdag ng baraha mula sa hawak na baraha tungo sa kanilang meld. Oras na gawin ito, nalilimitihan nito ang kakakayahan nilang magtawag ng ‘fight’. Mawawala lamang ang pagiging epektibo nito sa susunod na round. Mahalagang bahagi ito ng Tongits rules dahil kapag nilaro nang maigi ang pagsapaw, tiyak na tatanghalin kang panalo.

Hal. 1 J♦-J♥-J♣ [nabuong meld] = J♠ [card na pwedeng isapaw]

Hal. 2 5♣-6♣-7♣ [nabuong meld] = 4♣ o 8♣ [mga barahang pwedeng isapaw]

Paano makalkula ang mga puntos sa Tongits

How to calculate points in Tongits
Paraan kung paano makuha ang kabuuang puntos sa Tongits.

Bukod sa pagbuo ng bahay o meld, ang isa pang importanteng tuntunin na kailangan mong matutunan sa Tongits rules ay ang pagkalkula ng puntos. Tandaan na ang tatanghaling panalo ay ang manlalarong  may pinakamababang puntos.

Ang face cards o ang mga barahang may mukha ay katumbas na 10 puntos. Kabilang dito ang King, Jack, at Queen.

Hal. 1 J♥ = 10 puntos

Hal. 2 Q♠ – J♣ = {10 + 10) = 20 puntos

Ang mga barahang may numerical value namang ang may pinakamadaling matukoy na puntos. Kung ano ang nakasaad na numero sa baraha ay siya ring halaga nito. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba:

Hal. 1 9♠ = 9 puntos

Hal. 2 7♥ – 4♦ = (7 + 4) = 11 puntos

Hal. 3 8♣ – K♥ – 4♣ = (8 + 10 + 4) = 22 puntos

Ang barahang may pinakamababang puntos base sa Tongits rules ay ang alas. Isang puntos lang ang katumbas nito. Dahil dito, masasabing swerte ang barahang nabunot kung puro alas ang laman nito.

Hal. 1 A♥ = 1 puntos

Hal. 2 9♠ – A♣ = (9 + 1) = 10 puntos

Hal. 3 7♣ – J♥ – A♥ = (7 + 10 + 1) = 18 puntos

Konklusyon

Bilang pagwawakas, hindi na rin nakapagtataka kung bakit Tongits ang pinakasikat na larong baraha sa bansa. Kombinasyon ito ng swerte at diskarte ng manlalaro upang tanghaling panalo. Bagaman may mga tuntunin itong maaaring nakakabigla para sa mga baguhan sa umpisa, hindi ito ganoon nakakalito kumpara sa Pusoy–na kilalang tanyag ding laro sa bansa. Gamitin na gabay sa paglalaro ang artikulong ito na inihanda ng LaroPay. Kaya ano pa ang hinihintay mo, alamin na ang Tongits rules nang sa gayon ay manalo ng limpak-limpak na pampremyo!

Show more

Andres Torres

    LEGAL NA IMPORMASYON

    PARAAN NG PAGBABAYAD

    Copyright 2024© LaroPay

    DMCA.com Protection Status